Pages

Saturday, November 12, 2011

Baliwan

Sa pagiging distress lage sa buhay, minsan na e'inspire tuloy ako na sana maging baliw na lang. Feeling ko kasi wala na silang feelings, tila wala na rin silang kapagoran kakalakad kahit saan, parang hindi na rin sila na gugutom---at kung gutom man unli naman pagkain nila sa daan...weeeheee... =)

Bilib rin ako sa confidence nila. Wala silang pakialam anuman sabihin ng mga tao sa kanila, wala silang pakialam sa pamatay amoy nila, sa damit nila, sa buhok, sa paa, sa langaw, sa dumi, sa matraffic na daan, sa lubak na kalsada, global warming, baha, mahal na bill ng kuryente, internet, cell phone load, bigas, leptospirosis, kung suspek nga ba si ramona, kay anne curtis na nagka-album na, o kay justin bieber kung ama na ba talaga....Ang sa kanila lang----ay iwan ko ba...

Sa tingin ko ang lakas rin ng immune system nila-----kasi kahit palaboy-laboy sila sa daan---under the sun at biglaang ulan-----never ko pa silang napansing umuubo o nagkasipon man lang... O diba? para silang mga zombie...pero di lang nanganga-in ng tao---nambabato lang, nangdudura, nangangaway, nanghihingi, at kung anu-ano pa...pero bilib rin ako sa mga normal na tao dahil okay lang din sa kanila---kumbaga normal lang sa kanila....O dibuh? gusto ko na talaga maging baliw.....wala rin kasi silang pakialam sa mundo....waaaaaaaaaaaaaaah...!!!


baliw na rin siguro ako sa ka-iisip nito...hehe

Friday, August 12, 2011

Sulat ko sa'yo...'wag mong basahin

with kunting iyak, emosyon, at confidence...
ang sulat na'to ay inaalay ko sa'yo...
pero mababasa mo kaya 'to? sana hindi.. =/


Hindi talaga kita maintindihan, parang "there's a side of you that i never knew, never knew." & all the games you played you would always win always win..." dahil mahilig ka mag Left4Dead, Poker, Delta Hawk, at baril-barilan, not to mention Yuri's Revenge at, war craft. Akala ko isa ka lang makwelang tao, bow down lahat ng tao sa mga joke mo! kahit ang mama ko annoyed pagiging sarcasm mo...

Pero sabi ng mga ka office-mate mo---isa kang estrikto, takot sa'yo ang mga bagohang employado, saludo sila sa strong personality mo. Pero sabi ng mga kaibigan mo at mga kamag-anak mo mabait kamo?!...aw by faith, ako'y naniniwala rin naman sa kabaitan mo.

Supportive ka kahit di halata, saludo ako sa confidence mo, bilib rin naman ako sa self-control at patience mo. Ma swerte kami dahil masarap kang mag-luto, hinahanap-hanap ko ang specialty mo'ng mechado.

Naalala ko noong bata pa ako gustong-gusto ko talaga ang lasa ng pagtimpla mo ng Milo ko, kahit paulit-ulitin pa kitang magtimpla hindi ka nag sasawa---kahit magalit pa si mama.

Naalala ko noong bata pa ako, ina-away kita kung di mo maibigay ang gusto ko, pero alam mo na man kung saan ang kiliti ko. But medyo noong tumanda na ako, nakita ko na ma'ng sacrifices mo, at you really find ways to meet both ends.

Naalala ko noong bata pa ako pinapasyal mo kaming dalawa ni kuya sa plaza, habang naghihintay kay mama. Naghahabulan pa tayo sa gitna ni Rizal I mean ng statwa.

At noong nag-aaral na kami hinahatid mo pa kami kahit mala-late ka na.
Pinapahiram mo sa'kin 'yong glow in the dark mong relo hindi kay kuya, masira ko man hindi ka nagagalit kahit ito'y iyong iningat-ingatan----at kahit ika'y maingat sa lahat ng mga gamit mo. Dahil by faith---alam kong mas mahalaga pa ako sa'yo, kahit hindi naman ito sinasabi mo. =)

ayan...naiiyak na ako.. ='(


Kahit noong college years, nakikigising ka sa'kin ng maaga dahil O.J.T. na! ikaw nag rerepresentang ihatid ako-----kahit hindi mo sabihin...(dahil nakabihis ka na---and what's the point ba sa pag-gising mo rin ng maaga, dibuh?)

Never ka nagdalawang-isip na isugod ako noong nagka-dengue ako sa pinagtratrabahuan ko, Del Sur pa 'yon, Del Norte tayo, mahigit isang oras at kalahati ang byahe from your office hanggang sa location ko. Grabe lang, ni hindi ko magawang mag THANK YOU --- dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko---- "SORRY" o "THANK YOU"...


At noong na confine na ako --- ang ka room-mate kong pasyente pa mismo ang nagsabi ng "LOve na love ka talaga ng parents mo.., specially ng papa mo."
Dahil saksi siya sa pag-alaga nyo sa'kin sa loob ng semi-private room na 'yon ng hospital. Alam ng babaeng 'yon na pagkagaling mo sa office deritso ka na sa room kung saan na D5LR ako (dextrose). Umuuwi ka na kinabukasan para mag Oopis na naman. Alam ko ganun mo ako ka mahal.

P.s. at nasabi pa pala ng babaeng 'yon na kadalasan daw nagkakadengue eh up to 2 weeks bago nakakarecover---pero dahil daw grabe ang pag-aalaga nyo sa'kin, ang bilis ng recovery ko kahit nakisali na ang urinary tract infection ko...


Alam ko rin kahit di mo sabihin --- ako ang paborito mo sa aming tatlo ng mga kapatid ko. Eca'claim ko na lang kahit di ako sure --- pero 'yan ang conviction ko. =)



Di ko masusuklian lahat ng mga sakripisyo nyo, specially ikaw.

Soo...para sa akin ikaw ang super Hero ko! next to Jesus =).

Hindi ako nag e-effort talaga ng tribyut-tribyutan pero dahil papa kita...ito na... =)

Maraming salamat sa lahat-lahat...


Love you =')

Alam kong hindi ka emosyonal pero sana ma touch ka naman papa.

anyway di mo naman pala ito mababasa kahit esha-share ko pa to sa FB mo...hehe





Monday, April 18, 2011

Ah Lab u din Lord! ^_^

madalian lang 'to soO gow!

so umh...

Yep! it's been a while since I wrote something here...

and haha! may nag fofollow pa pala...kakahiya naman...at medyo nakakahiya rin sa mga follower ko...na realize ko kasi after I read your blogs guys...---ako lang pala ang no sense at all! XD

So wapak!

So, yep! it's been a while (ai pa ulit-ulit?!)
Now i'm back with some lesson learned  kuno!
mmh...how to start this ba?mm..oh there I see it...(at obvious na di pinag isipan...)

image dito 

Ganito kasi 'yon...
It's almost a month since i'm promoted---chaka! not really "promoted" but parang---since my boss entrusted me with this bigger job...and of course a bigger job is equal to a bigger $ ay P lang pala---so, as a result and honestly i became so greedy!!! Ohmaygawd!!! Shame on me!!! and i can't believe i'm saying this...XD


Sa sobrang greedy ko kahit di pa dumadating pay ko budgeted agad technically, automatically! LOL isipin mo 'yon!---'yong parang all the things you have been dreaming of before gusto mo nang bilhin agad---as in now na!----na gusto mo nang mag "living solo"---at iwanan ang pamilya dahil can afford ka na! paks! ansama.! tsk tsk tsk at at at....at mmh...at parang nahihibang ka na ----alam mo namang di mo pa rin ma aafford taz to the highest level agad mga planong bilhin mo!---ay AKO lang pala.

As a result ulit I always looking forward for my pay....hehe (evil_grin) ---and became greedy (ai pa ulit ulit?!) and I can't wait for yet to come (give it already to me na kasi eh!) and there's so much in my thoughts----you know i was thinking that 'OMG when i got it I would probably buy 'dis and 'dat and 'dese and 'dose!'


...

But one day (actually kanina lang) God came to the rescue! He saved me from this "echusness" that I am suffering from---------by how? He sent me to rehab? oh naw! not that way...BUT in a very mysterious way...how? SECRET! waahaa! (uu lam ko ang korni!)


 ganito kasi 'yon...

(warning: this is not a promotion)
One day (actually kanina lang) am reading this book entitled *kasalukuyang kinukuha ang booklet... -----------------------ayon! "Ang Pera ng Hindi Bitin" ni Eduardo O. Roberto, JR. ...mumurahin lang 'to pero swak naman! and yep! as what its title says---it's all about money---oh hindi pala---it's all about managing your money which touched a lot of verses from the Bible!...toomooh..! so bili na! lol asteeg....


What was amazing about it was that kusa lang dumating ang libro na 'to sa bahay ko! (oo tama---literally sa "bahay" ko)

One morning (actually kanina lang) nakita ko 'to sa mesa---and I was like---'ah ganun? in your face talaga ---kanino 'to? for sure kay kuya! at kay kuya nga!---'Bob Ong ba 'to? ay hindi...okay let's read it!


So the day when i first read it! (actually kanina lang) I was like na naman---"wow! parang ako lang 'to ah!!!---Intro pa lang a big slap na!!!

Na kwento kasi ng author mga experince nya...on how he bacme greedy, and lazy and all that stuff---and he was thinking about his money before a lot!!! (ops! spoiler alert!)

So i continued---and found a lot of verses that he included on the book that brought me into self-realization... and again, I was like...'Ohmaygawd!---this book is talking tomeh! LOrd ikaw ba 'to?...'


So, ayon I learned my lesson na (kahit hindi ako sure which part...assuming na)

But what really moved me was that---again the book was kusang dumating sa buhay ko--bahay ko! I wasn't really expecting that God would answer me right away before I could think about it---and...mmh..yeah parang ganun if that made sense-----and has helped me, let me realized before i could make a move...and that showed me na ----LOVE talaga ako ni Lord...hehe a lab you din Lord! ^_^----hindi niya ako pinapabayaan..and it proved that He really have thousands of way not to let you fall...

tenk you Lord!!!

p.s. wow mabilisan lang 'to pero ang haba pa rin...tsk tsk...XD
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...