Pages

Showing posts with label 2010. Show all posts
Showing posts with label 2010. Show all posts

Friday, December 31, 2010

Paalam 2010 mamimiss kita!

(ang mga pangyayari kagabi)

End of the world na ba? may gera ba sa labas? umuulan ba ng bala? 'yon at iba't iba pang maiingay na eksena ang nasa utak ko habang nakahiga lang sa ward at nakikinig sa mga pangyayari sa labas...wala ako sa mood makipagsimpatya't makiingay sa labas...ning wala rin ako sa mood sumilip man lang sa bentana - ang ayaw ko kasi sa lahat ang maistorbo ang pag-tulog ko (consider pag mga pasyente).! but considering the fact na New Year na! oh no! 11:45 p.m. pa pala - na tempt na talaga akong sumilip at togs!!! ano ba 'yan?! wala man lang colorful sparks sa kalangitan, puro usok lang sa labas ng kalsada - wala ba silang vitamins pang mata?!  So ayon ano pa nga ba eh di bumalik ako sa pagkahiga...

Maya-maya andami ko ng naririnig na ingay...latang pinagpupukpok! horn ng mga sasakyan, mga batang walang tigil sa pagpatutot at ang walang kamatayang videoke sa may kanto na pang 80s pa lahat ang kinanta (at biglang nag katty perry maya-maya)...adik! XD Pero lahat ng 'yon walang kwenta sa'kin. Naisip ko'ng matulog ulit, hanggang nakatulog at na tulog...pero teka! (napilitang gumising bigla!) etetxt ko sanang FB (oo facebook) ko para naman malaman ng pamilya o friends ang status ng buhay ko sa mga oras na 'yon baka naman  they'll save me from this loneliness T_T pero sayang wala akong # ng FB ko...! haha! joke - pero di ko lang talaga alam kung papano...lol

then silence came...

Tumahimik utak ko sa kakaisip habang nakikinig sa labas, tumagilid sa paghiga at ----- nag isip na naman...nostalgic mode. Naalala ko tuloy last last year sinalubong namin ang 2010 ng kasiyahan habang tumitingala sa langit at nanood ng mga sunod-sunod na bonggang-bonggang fireworks!

Naalala ko pa hinug ko lahat mga ate't kuya, lahat ng mga close friends at 'yong di maxadong close (hindi naman sa nagpakaplastic pero plastic lang talaga ako! haha! joke!) nasa church pa kami noon dahil anually talaga may activity pang year ender kumbaga...kahit minsan nag-aaway na sina mama't papa - dahil ayaw na ayaw ni papa na umalis pa kami at malalate na naman sa pag-uwi, gusto lang talaga niyang samahan lang namin siya sa bahay at di na umalis hanggang mag new year! O.A.... di kasi siya sumasama sa'min - kung bakit pa kasi matatagalan pa kami minsan kasi exactly 12 midnight na natatapos ang activity naming 'yon . . which made my pop upset... kahit nga ako minsan na uupset na rin - pero sa mga oras na 'yon bigla ko na lang natanggap na malalate na naman kami sa pag-uwi (like last year) na kahit pag-uwi - maaabutan naming upset na si papa at tulog na sobrang upset...Despite that fact, all i could remember right now is feeling ko that time ang saya saya ko talaga, 'yong tipong nilasap ko talaga ang moment na 'yon...

Ewan ko kung bakit - dahil ba thanksgiving party ko kinabukasan? at reunion rin pala! pero 'di eh...iba talagang pakiramdam ko nun...

Pero ngayon (Jan 1, 2011 @ 12:30 a.m.) ito ako't mag-isang sinalubong ang 2011... I hate it! I hate every minute of it! I'm still a kid that needs a hug that time, i still wanted to see their faces how they embrace that moment - T_T char...O.A. na maxado...

Pero buti na lang pala I cherished all those memories i shared with them before - para mabaon ko ngayong nag'iisa lang ako...

LEARNED LESSON - ENJOY EVERY MINUTE NA KASAMA MO LAHAT NG MAHAL MO SA BUHAY! DON'T WASTE IT - DON'T SPOIL IT! 


p.s. moment later ---

may nag door bell ay akala ko 'yong mga batang nagpromise sa'kin ng mga paputok - pagkain pala, wow! and so I ate happily ever after that night - dawn na pala (kaninang 12 a.m. something) sus! pagkain lang palang katapat nag dadrama pa!

HAPPY NEW YEAR!!!
huggies...^_^ xoxo


T_T


Leelou Blogs

Monday, December 27, 2010

Ang boOoring ko'ng 2010 buhay!

Na inspire lang ako sa maepal na review ni batman kaya gumawa na rin ako ng review ng buhay ko...

Base sa aking memorya (walang forge2x - totoo lang!)

January
  • hang over pa ang isipan sa naganap na concert sa church noong December 2009 (1st time gumanap na kontrabida - kasama rin pala dito si batman!oo si kikomaxxx)
  • nagpa register sa P.R.C. (feel na feel ang pagiging young pro)
  • naging call center agent - as a preparatory job na walang kinalaman sa aking kurso (hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko!)

February
  • call center agent pa rin
  • mmmhhh....wala maxadong matandaan
  • walang naka date
  • may bagong "apple of the eye" lol

March
  • hinihintay ang lisensya sa P.R.C. (pero wala pa raw) at the same time pumuntang downtown mag-isa (feeling nilibot ang mundo!)
  • call center agent pa rin
  • kulelat...XD

April
  • excited makuha ang lisensya (available na daw)
  • feeling pro (dahil sa lisensyang kakakuha lang)
  • pero call center agent pa rin (napamahal ata?!)
  • narealize na kahit may titulo hindi magbabago ang pagtingin nila sa'yo except sa lola na proud na proud (dahil pabritong apo "daw" - ako!)

May
  • tumigil sa pagiging agent
  • naghanap ng trabaho na na-aayon sa kurso
  • nakahanap ng trabaho na naaayon sa kurso
  • masaya...
  • wala ng maalala

June
  • na bored sa trabaho (dahil stay-in at once a week lang umuuwi, walang cable, walang internet)
  • kalungkutan (bigla na miss ang pamilya sa tuwing nasa trabaho, na miss rin ang alagang aso...oh baby ko!)
  • maraming experience (1st time nakahandle ng rare cases at higher risk na mga pasyente - at biglang na realize takot pala sa sobra sobrang dugo - buti na overcome at the same time!)
  • birthday ko rin pala (medyo na shock sa surprise nila - na expected ko naman...)
  • naging active sa church! (masaya)

July
  • refer to the month of june 1st - 3rd bullets
  • *hikbi*

August
  • na inspire mag blog
  • gumawa ng sariling blog (ina-update lang tuwing weekend)
  • narealize na walang kwentang blogger
  • kalungkutan (di na kayang walang cable, internet, at bihira na lang makapag-mall!)
  • gustong lumipat ng lugar na pagtatrabahuan
  • nag-isip...T_T

September
  • lumipat na nga ng pagtatrabahuan
  • tinanggap sa bagong pinagtatrabahuan (dahil qualified daw! na appreciate bigla ang lisensya...)
  • na-inform na mag co-concert naman sa church sa darating na December (at desperada - gusto ulit sumali! -musical concert kasi- feeling broadway)
  • sumaya ang buhay dahil nakapag-decide agad (na miss kasi ang pag-sayaw)

October
  • na pressure bigla sa mga nangyayari - oh... dilemma...
  • pinagsabay ang trabaho at mga activity sa church (inappoint maging dance committee para sa concert p.s. hoy! hindi folk dance ha...hindi rin ballet)
  • na pressure - halos puputok na ang utak!
  • naghanap ng makakaramay upang matulungan sa mga choreo!
  • nakahanap pero biglang nag quit - pressure na naman...
  • dumating bigla si batman at tinulungan ako!
  • kalungkutan (wala masyadong pasyente)
  • sa wakas naka boto na! (si erap pa pala talaga ang binoto)

November
  • malapit na ang concert - so much pressure!
  • sumaya may future na daw ang concert
  • pinagalitan ang lahat ng performers ng director (kabilang ako) dahil hindi daw sumisipot sa mga practices - iyong iba late comers...
  • ang pressure!
  • magulo ang utak
  • kelangan pa mag blog at manood ng mga bagong movies....XD
  • pressure ang buhay walang time huminga at mag-isip
  • ang daming pasyente sunod-sunod!
  • last week of the month biglang inappoint may solo performance daw! first Sunday of December na ang concert! nag panic ang utak biglaan kasi!

December
  • concert na sa darating na Sunday
  • pagkatapos nun biglang nabunutan ng tinik sa paa...( the concert is successful!) - nakahakot daw ako ng fans weeeeeee...ayaw ko sanang maniwala but they insist! haha!
  • chaka! may repeat performance pa pala! at sa fourth Sunday of the same month na!
  • na pressure ulit lahat at times 2 pa ang pagkapressure - dahil V.I.P. ang mga bisita...
  • so nag concert ulit (ang saya!)
  • tapos na ang concert
  • hang-over ulit
  • back to normal ang life! .....boring


magiging cycle na siguro 'to ng buhay ko! ang boring naman...at kung napansin nyo ang concert lang talaga ang climax ng buhay ko this year! how sad....XD

pero okay lang kagaya ni batman natupad rin naman ang iba ko pang mga pangarap sa buhay na di inaasahang mututupad agad!- tulad na lang noong makasali ako sa concert na 'yon musical na broadway pa! o diba?! plus gumanap na Galinda bilang "the popular" plus sumayaw ulit plus na diskubre may iilang munting talento pa pala - kahit 'di kumakanta makaka lip sync naman! at higit sa lahat dumami ang follower (salamat nga pala sa pag follow) .....hehe sorry ha if boring maxado pinopost ko dito...wala lang talaga akong kwentang magsalita naturally...XD


T_T


Leelou Blogs
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...