Pages

Thursday, January 20, 2011

mamamatay ka sa nerbyos!

Hindi. hindi na talaga 'to normal...kung bakit kasi sadyang ganun na lang ang takot at kaba'ng nararamdaman ko sa tuwing may papahintong motorsiklo sa'kin, ---dahil ba 'yon sa pamatay eksenang nangyari sa'kin ngayong buwan lang---ito na bang tinatawag nilang posttraumatic stress? kasalukuyan bang nag su-suffer talaga ako nito? O sadyang O.A. lang ako sa mga panahong ito?


Hindi ako inlab pero bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko---sa tuwing maglalakad ako mag-isa, o kaya sa tuwing tumatawid ako sa kalsada na wala naman sanang sasakyan at walang anumang dapat katakutan...


At kung bakit ako kinakabahan sa tuwing may patayan akong nababalitaan-----sa dyaryo o T.V. man. Dahil sa totoo lang hindi naman ako ganito ka concern dati---dahil tanggap ko namang ang mga bagay-bagay ay sadyang nangyayari lang.


Baha, sunog, at ang libo-libong kung anu-anong hayop na nabalitaan kong misteryosong namamatay kung saan-saang lupalop ng mundo---at bakit ako nenirbyos nito???


Climate changes, global warming, latest/newest microchips invented, nanobots, nibiru, at kung anu-ano pang mga pagbabago sa mundo---bakit parang nanghihinayang o nadidismaya ako sa mga bagay na 'to? dahil ba alam kong mga simbolo o mga palatandaan 'to na katapusan na ng mundo at wala akong magagawa dito?



2012 end of the world? hindi. hindi ako basta basta na lang naniniwala dito... lalong-lalo na't pati buwan, araw, at taon eh na predict nilang ending na 'yon...dahil sa pagkaka-alam ko---kahit ang mga anghel sa kalangitan hindi alam kung kelan ang "2nd coming of Christ"..........Pero bakit nalulungkot ako habang unti-unting papalapit ang taong ito? Dahil ba sigurado ako na may mga mangyayaring hindi ko man lang kayang isipin? Pero teka, araw-araw naman talagang may nangyayari ah!




Pero higit sa lahat, bakit ba ako natatakot mag-isa? bakit ba sadyang nag-faflash na lang sa isipan ko ang masasayang memoryang nadanasan ko? Bakit sadyang nagfaflash na lang sa isipan ko ang masasayang mukha ng aking ina, ama, at lola? bakit naiisip ko bigla ang mga kaibigan ko?


Bakit ba ang hirap na'ng pasayahin ang sarili ko? dahil ba tumatanda na ako?...bakit ang lungkot ko?


Mamamatay na ba ako?
...lasing ba ako?


10 comments:

TAMBAY said...

adik ka lang marekoy hahah.. joke lang

naku, ung sa climate change at ung ibat ibang nangyayari na kakaiba sa mundo eh hindi naman palatandaan yan na katapusan ng nga. gawa yan ng tao, tao may kasalanan nyan, kumbaga binabalikan na lang tayo ng kalikasan..

wag ka matakot na mag isa kasi sa totoo lang naman eh, palagi tayo may kasama.. pag nararamdaman mo ang ganyan marekoy eh magpray ka lang.. at magsimba ka naman ok? amen.... amennnnnnnnnnnnn

riZa d' hoLic said...

^
|
|
|

lol! hehe amennnnnnnnn parekoy salamat...T_T

jhengpot said...

alam mo matatakutin din ako, gumagwa ng sarili kong multo..minsan din pagnakaharap tayo sa salamin, nakakatakot talga. Ang payo ko lang wag maxadong tumambay sa harap ng salamin. :)
Remember what Jesus said to Jeremiah..
"DO NOT BE AFRAID FOR I AM WITH YOU"
Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko at bigla na lang nawawala ang pangamba ko... leave your worries behind... Trust, have Faith... at wag lalanghap ng katol at takpan ang ilong pag may utot,lakas tama talaga yun! hehe

Unknown said...

drei wag ganyan... walang dahilan para matakot.. at ang kamatayan ay di dapat katakutan ninuman... enjoy the life marekoi... :)

riZa d' hoLic said...

@ jhengpot: haha! salamat siguro nga iiwasan ko na lang manalamin evry minute of my life---at umh...downer lang tinatake ko talaga at bagong serox paper haha! pero seriously, salamat T_T

p.s. ito rin siguro ang resulta ng pagiging sobrang obsess ko sa illuminati, Nibiru And the Anunnaki---grabeeeeh---nakaka shake talaga ng faith lalo na pag mahina foundation mo ng faith mo...sorry LORD!

at dahil nag share ka ng word of God--I'll share something to you too-->> Isiah 41:10 "so do not fear for I am with you, do not be dismay for I am your God, I will help you and strengthen you, I will uphold you with my righteous right hand" ^_^ grabeeeh..pati verse na 'yan muntik ko na makalimutan...perhaps nakalimutan ko na talaga...tnx sa hint marekoy ^_^ salamat talaga


@ Inong: hehe ^_^ salamat.. uu nga no?! nakalimotan ko----"enjoy every minute of your life"... ^_^ tnx for reminding me parekoy..^_^

Adang said...

tigilan mo kasi pag ru rugby :)(joke)
pero sa totoo grabe climate change ngayon, kawawa naman yungmga susunod na generation :(

Lhuloy said...

always pray..for God won't let you walk this journey alone...ingatz ka lague...

riZa d' hoLic said...

@adang: haha! grabeee naman hindi nga ako nag rurugby eh! bagong xerox na papel lang sinisinghot ko! hehe joke! uu nga eh lalo na 'yong mga endangered species hindi na nila maaabotan...tsaka i think 'yong dead sea na rin hehe kasi nag eevaporate na matagal na pala...hehe

@lhuloy: hehe hello ^_^ uu thanks i will...ikaw rin ingat...

Kamila said...

huy.... Riza hello.. nagbalik na ako...

hay riza... sabi sa ecclesiaste (di ko man lang ma-spell ng tama pero nabasa ko pa din) lahat daw ng mabubuti at masasamang tao lahat mamamatay.. kaya wag ka matakot kung magtapos man ang buhay ng bawat isa... lahat tayo dadating dun...

at riza... sabi din dun ang maaari na lang nating gawin ngayon ay kumaen, at i-enjoy ang buhay.. i-enjoy ang mga pinaghirapan natin..dahil yun ang gusto ng Diyos...

siguro kasama na jan ang huwag manapak ng tao at subukan maging mabuti...

hay...

at sorry kung mahaba na pero dadagdagan ko pa. yung takot na nararamadaman mo after nung incident na yun naranasan ko din yun.. paranoid ako.. nung nanakawan ako sa loob ng bahay... pagkatapos nun feeling ko lage ng may tumitingin sa kin mula sa labas... paranoid na baka hindi ko na-lock ang pinto.. minsan nakaabot na ako sa kanto.. tapos kahit ni-lock ko yung pinto nag-ddoubt ako kung ni-lock ko.. at babalik ako ng bahay para siguraduhin lang kahit na alam kong late na ako..

ang haba na.. pero sana ma-over come mo lahat ng nararamdaman mo ngayon...

riZa d' hoLic said...

@ kamila: haha! good to know you're back (and you never failed to stress me out with your outstretched comments.....*sighs...)haha joke lang! grabeeeeeh i'm really happy you're back na!! ^_^

mmh...so seriously uu agree ako sayo--- parang doon ki rin nga nabasa 'yong SA ECCLesiastes 'yong "it's like chasing the wind' mmh... tama ba? or sa proverbs ata 'yon hehe (losing my point) and yup nakalimutan ko rin 'yan, nabasa ko na dati 'yan grabeeeh ganito pala pag you're trying to get out from your shell..you'll forget every important things that you've learned pati word of God! this is a total upsetting lalo na pag nalaman 'to ni mama she'll be disappointed promise!

at sige habain ko na rin...uu i'm still suffering from this posttraumatic stress!!! grabeeeeh i'm really scared pag ako lang mag-isa...kahit pumapara lang ako ng pedicab natatakot ako, maglakad mag-isa sa kanto natatakot na rin ako...mahilig pa naman ako mamasyal pag gabi...at higit sa lahat natatakot ako pag may ibang taong nagtatanong sa'kin kahit bata, babae o matandang babae lang...T_T

mmmmh...add mo'ko sa fb hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...