Pages

Showing posts with label medical issues. Show all posts
Showing posts with label medical issues. Show all posts

Tuesday, December 21, 2010

pssst! may alam ako na baka hindi mo pa alam...^^

I could still remember how my mum reacted when suddenly without a warning i just burst out "ma! mag pi'pills ako?!" haha! (di ko kinaya 'yon)

Halos hindi maguhit ang mukha niya sa gulat/galit...well, actually it was just a test kung ano nga ba'ng tingin niya katulad ng iba - tungkol sa bagay na 'to...

Napansin ko lang kasi, if somebody open up such topics iba agad ang pag e'stress out nila sa bagay na 'yan...andaming bagay agad nagliliparan sa mga isipan - 'yong tipong 'sssh...bad word 'yan!@!#%$!' para ba'ng isang maruming bagay na pwede ka'ng makulong dahil dyan...ano 'to drug?! naisip ko nga eh baka sila 'yong mga adik! weeehehe :p

Kahit nga siguro ako eh! kung 'di lang din siguro kabilang ito sa field o profession ko -tiyak morbid na 'to para sa'kin...tsk! tsk!

Alam ko tulad ng mga condoms na ipinagbabawal sana ng Pope (dahil daw hindi 'to ang pinakamahusay na paraan para labanan ang HIV-AIDs - pero sa Africa lang 'to) (at ngayon naman inaprubahan na naman nya paggamit nito) (ewan ko na lang)...

Pero itong pills hindi lang naman pam-pregnancy prevention o birth control 'to eh! kahit singled-status eh pwede namang gumamit nito *note: see a specialist for guidance and specific instruction before starting =) (perma ko!)...minsan nga na tetempt akong e'promote to sa mga girl friends ko sa church na may mga PMS (premenstrual syndrome) at dysmenorrhea! kaso nga lang baka ma misinterpret o kung anu-ano pa! you know na...T_T

At pati na rin pala 'yong mga O.A.ing may PMS..hehe

  • irregular or absent menstrual period
  • severe menstrual cramps (dysmenorrhea)
  • endometriosis
  • at higit sa lahat ang walang kamatayang ACNE!

Pero ang sinasabi ko'ng pills ay 'yong Combined Oral Contraceptive (COC) ha 'di 'yong POP (progetin-only pills)


...pero 'yong Estrogen lang talaga ang target ko at wala ng iba...! Period.

Estrogen - ika nga eh "the hormone of beauty" - at kung may sapat kang ganito sa katawan mo - tiyak wala ng laban sa'yo si Belo hehe at lalabas talaga pagka feminine mo ;) So ano pa'ng hinihintay mo? bili na! haha (hindi po ako endorser XD)

'alam ko wala akong matatanggap na pro fee nito kaya hindi ko na lang e-ju'justify how it works hehe pero dahil mahal ko kayo at mahal ko profession ko (owwwssss...) 'yong mga importanteng bagay na lang isusulat ko...wehehe at dahil rin nasimulan ko na - responsibilidad ko na ring e-explain mga side effects at contraindication nito - dahil kung hindi lagot ako sa D.O.H. o kaya BFAD, pati na rin siguro sa WHO...T_T (naku lisensya ko!)

kaso nga lang pag gumamit ka nito ang daming side effects at contraindications:

Bawal ka nito kung:
  • adik at naninigarilyo na may edad 35 o pataas - at maraming problema sa buhay...hehe joke!
  • high blood pressure
  • nagpapa breastfeed in first 6 months after delivery
  • breastfeeding in first 6 weeks
  • uncommon serious diseases sa puso at blood vessels
  • few other uncommon diseases ('yong tipong mga malignant dse.)
  • certain active liver dse.
  • migraine headache- *recurring severe head pain - often on one side or pulsating that can cause nausea o paghihilo
  • history of Thyroid Goiter, varicose veins


So, kung nasubukan mo na'ng paggamit nito at may mga unusual na feelings na mafefeel mo - okay lang 'yan side effects

  • nausea
  • headaches (mild)
  • mood changes
  • breast tenderness
  • mid cycle bleeding
at para mabawas-bawasan naman ang mga effects na 'yan mas mabuti kung pipiliin 'yong may mas lower amount na Estrogen =( ............ (20-25 micrograms)

Pero kadalasan 'yong iba wala talagang nararamdaman effects after using pills =)

Pero kung 'yong ibang level ng side effects na talaga tulad ng:
  • severe abdominal pain
  • chest pain with cough and shortness of breath
  • headache, dizziness, weakness, numbness
  • eye problems, blurring or loss of vision, speech problems
  • severe leg pain in the calf or thigh area

Naku tigilan mo na lang ang pag take nito...kung estrogen lang talaga pakay mo para pampakinis - you could always use alternatives - gaya ng Vit. E o iba pang pampakinis

Pero kung talagang kelangan mo ng Estrogen dahil nag me'menopause ka na andami pa ring altenatives para dyan just see your OB-Gyne =) hehe - for consultation!


Kung menstrual cramps naman problema mo - take pain relievers or try body positioning - my way lol - specifically "knee-chest position....-na nakatagilid... (tulad ng figure sa gilid - pero nakatagilid ka dapat)






kung irregular mens cycle naman...naku ganyan na talaga 'yan
pero ito advice ko...=)

  • sedentary lifestyle should be avoided
  • proper balance diet
  • spicy and heavy food should be totally avoided grabeeeh...
  • proper rest
  • proper sleep 6-8 hrs.
  • avoid sleeping in day time
  • shed off extra weight
at kung 'yong pagiging moody naman - 'wag ka na lang lumabas sa kwarto mo! hehe joke... basta ikaw na mag control niyan...

'Ano pa nga ba?! ummh...ah ito

Can pills cause Cancer? ito talaga madalas naririnig ko kung tungkol lamang sa pills...
pero ayon sa D.O.H. The pill has been used safely by millions of women for over 30 years and has been tested more than any drug. Studies show that the pill can protect women against some form of cancer such as: those of the ovary and uterus. More clinical trials are being conducted to determine the association of pill use with other forms of cancer.

In addition pa - ayon sa U.S. National Cancer Institute, ang paggamit daw nito ay nakakababa ng risk for ovarian at uterine cancer. pero kung breast cancer naman - malabong dahilan ang pills...
at sabi pa ang risk ng isang babae sa breast cancer depends on several factor - tulad na lang ng:
  • early age at first menstruation (before age of 12)
  • late menopause after age 55)
  • first child after age 30
  • having no children at all
'kelangan ko pa pala talaga manganak.! T_T

at kung bakit - ewan...hehe

"So umh... pwede na ba ako mag pills? ma?!" T_T XD



T_T


Leelou Blogs

p.s. i hope in this way - may kwenta na blog ko'ng 'to...XD

Sunday, December 12, 2010

Pangit ba ako?! o sadyang Praning lang?...

Babala: morbid to, bawal ang pangit (baka ma hurt...*hikbi*) hehe joke lang!


Natural lang talaga sa'tin ang maging self-conscious minsan lalo na't nag-hahanap tayo ng syota hehe o sadyang nagpapasikat lang talaga...

Pero kung 'yong tipong nababadtrip ka na lang palagi sa t'wing makikita mo ang 'yong sarili sa salamin, o kaya'y sa t'wing tinitignan mo ang 'yong balat sabay sabing "sana kutis-artista rin ako..." or worse halos hindi ka na lumalabas ng kwarto mo dahil iniisip mong maiirita lang ang ibang tao sa mukha mo...'yong tanging mababanggit mo na lang ay "WHY ME LORD? WHY ME?!!!" sa t'wing maalala mo ang korti ng 'yong mukha...Naku! baka BBD na 'yan! tindi!

Oops..! Teka! bago mo ako tatanungin kung ano 'yan...ikaw muna tatanungin ko.! mmph! kala mo ha...wais yata toh! XD

so ito na:

May BDD ka ba? sagutin ang mga sumusunod (in english)
  1. do you always compare the way you look with others?
  2. do you frequently check the appearance of a part of your body in the mirror?
  3. do you avoid mirrors altogether?
  4. do you think about your physical appearance for more than one hour a day?
  5. do you continuously feel low self esteem?
  6. do you often refuse to have your pictures taken?
  7. do you wear excessive clothes or make-up to hide a flaw in your body?
  8. do you change your posture or body movements to minimize attention to a body part perceived to be flawed?
  9. do you frequently touch, rub or nitpick on the perceived physical flaw?
  10. do you perform elaborate grooming rituals?
  11. do you avoid socializing with others for fear that the flaw will be noticed?
  12. do you spend a lot of time convincing others that a part of your body is abnormal or ugly?

*kung tatlo o mahigit ang sagot mo'ng "Yes"

marahil BDD na 'yan! mag dasal ka na! joke lang! hehe pero totoo marahil BDD na talaga 'yan...T_T




(Babala: ito na talaga to, at kung sa tingin mo meron ka nito - no offense...ang lahat nang ito ay pawang totoo at hindi kathang isip lamang...)

Oo ngaps--- ang BDD o Body Dysmorphic Disorder ay isang obvious namang disorder - sa utak! - in other words mental disorder that involved a distorted or unrealistic body image (naks english ah!) 
Madalas na da-diagnosed nito ay 'yong mga taong lubhang kritikal o sobrang hindi nasisiyahan sa kanilang imahe o anyo! kahit ang sinabing "disfigurement" o kapangitan ng kanilang anyo ay totoo or imahinasyon lang, in short --- sadyang praning lang! Karamihan sa kanila ay physically obsessed sa mga pinaniniwalaang parti ng kanilang katawan  na pangit o 'di perfect! - pati rin sa kanilang balat, at facial features gaya ng mga mata, lips, ilong...facial o body hairs, breasts & oops! - *morbid na.!

Ang masaklap pa dito ay isa rin pala ito sa mga dahilan ng pag su-suicide ng ibang mga kabataan kahit na matatanda... habang ang iba naman ay tumitigil sa trabaho, sa pag-aaral, at pag-hinga...totoo promise!

Nakakalungkot ring isipin na ito rin ang dahilan ng pagiging nega ng iba dyan! (peace ^_^) at ang pinakamatindi sa lahat ayaw na ayaw nilang magpatingin sa doktor sa kadahilanang natatakot o nahihiya silang pagtawanan...owversss...

Sila ring 'yong mga hardcore na mga pasyente na tipong exage talaga kung magpabunot nga lang ng ngipin eh talagang ipapabunot pa lahat - dahil sa kadahilanang "bad breath" daw siya, oo totoo sabi ni umh...itago na lang natin sa pangalang Dr. Tomas Bautista, isang consultant psychiatrist at clinical associate professor - naka encounter na rin pala siya ng mas hardcore to the max na patient na nag undergo ng isang extreme procedure na tinatawag na "sweat gland ablation" as in! nag paputol siya ng sweat gland na 'yan para daw matigil na ang puno't dulo ng pagkakaroon ng mabahong kili-kili.! owversss...

Sa ngayon, anti-depressants at cognitive-behavioral therapy lang muna ang isinusulong ng mga specialista para makasurvive ang mga taong meron nito! tsk! tsk! la pang budget ang gobyerno eh! joke! at iyong iba naaagapan pa, 'iyong iba naman 'di na talaga...T_T harshness!




Teka lang kelan kaya ulit ako makakapag rebond? --- ang pangit2x na ng buhok ko! i hate myself! leave me aLone!!! 








T_T

Leelou Blogs

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...