Pages

Showing posts with label rural area. Show all posts
Showing posts with label rural area. Show all posts

Sunday, January 2, 2011

hay buhay....T_T

Naubos na'ng fruitcake na binabalikbalikan ko sa ref noong Christmas eve pa - pero di pa rin ako nakapag decide...kung bakit pa kasi enopen-open up 'yong topic na 'yon ng mga echuserang kapitbahay ng lola ko noong reunion namin eh!

Balita - mag reretiro na daw 'yong pambansang kumadrona nila at wala ng ibang papalit - sana daw magkakaroon sila ng maternity clinic doon at kami ng pinsan ko ang mag mamanage! weeeh.! no way! ayoko ayoko talaga! at kung bakit? first of all, very rural ang lugar na 'yon (farm kasi) wala na namang internet, walang cable, walang mga wifi mga tindahan doon!  2nd of all, plano ko'ng magtrabaho sa ospital after i could get my certificate of employment...3rd of all plano ko'ng umexpat oo gusto ko'ng makapagabroad kahit ngayon na! (pero underqualified pa daw ako! dahil sa edad ko!) kaya 'yon ayoko...naging blanko't naging insensitive ang mga isipan ko dahil sa sarili ko'ng luho...

Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa'kin doon sa bayan ng lola ko - alam ko mababait ang mga tao doon (kahit di ako sure) pero ---pero---- no! not now! ang bata ko pa! ang bata-bata ko pa para mag manage ng ganun - bakit ba simple lang tingin nila doon? oh com'on people! we're dealing with lives here! nagtatrabaho pa lang ako ngayon pero minsan naisip ko di madali - lalo na pag alam mong arrrgh! high risk na mga makakasalamuha mo! at alam ko mabobore lang ako! Mamiss ko ang urban life ko'ng 'to...kahit magulo, maingay, okay lang basta dito lang muna ako (until makalipad na ako!XD)

at higit sa lahat - ayoko pa mag seryoso - unfair! mga kabatchmate ko nag-aaral pa - habang ako nag tatrabaho na! hindi pa naman ako 'yong tipong desperada magkapera! gusto ko pang eenjoy life ko nang walang nakataling ibang buhay - na wala akong aalahanin na ibang bagay... ang nasa isip ko kasi pag andoon na ako magtatanda ako, magmamature at pag matured ka na magiging boring kana, at pag boring ka nang tao - wala na kakausap sa'yo..di ka na IN sa uso...ang nasa isip mo ay iyong mga pasyente mo, negosyo mo, tax mo...bill ng pasyente mo...at etc etc etc etc... di ka na naa-update kung ano na ang mga nangyayari sa kabilang buhay..este sa totoong mundo este sa - labas i think?! kasi andoon na lahat focus mo...ang boring mo!

kaya ayoko pa ayoko pa talaga sa ngayon...alam ko this is an oppurtuinity that shouldn't be missed! T_T hahay buhay ang hirap!

T_T


Leelou Blogs
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...