Pages

Showing posts with label kalungkutan. Show all posts
Showing posts with label kalungkutan. Show all posts

Tuesday, March 1, 2011

hoy! may langaw na pet mo!

(warning: isa na namang di pinag isipang post!)

grabeeeh ang bored ko talaga these passed few days....pa balik balik na lang kasi mga nangyayari sa buhay ko araw-araw----parang cycle na lang.. ganito pa rin ba ako after 48 years! nyay! 'wag na man...isipin mo----pagka uwi galing sa trabaho ayon breakfast, manood ng America's Top Model, internet, pet soc., tulog, internet, pet soc., gotta dance UK (repeat forever after) diba ang boring lang...nakaka molds (as in fungi...yaaak!) ng utak! (at promise tumindig balahibo ko XD) kita naman ebidensya diba? o see? told ya!!!

O dahil ba 'to sa nalaman ko kamakailan lang...

ang kitid naman ng utak ko di ko man lang na isip may mga tao pa pa lang pilit gumagapang at namumuhay sa mundo...Kahirapan, hindi ako mayaman pero salamat kay Lord kung mahirap man kami at least di ganun...di ko ata kaya mamuhay ng ganun...kung may magagawa lang ako...T_T

pero hindi, di yan ang rason kung bakit ako bored...

dahil ba 'yon sa nalaman ko nung Sunday lang...'yong early Christian life...'yong alam mo 'yon---yong grabeeeh ka brutish ng buhay nila as slaves...di ko alam kung ano talaga history nun, ang alam ko lang kung pa'nu sila pinaparusahan...hindi ko ma expalin kaya ito na lang .....   ..... ...... *nag hanap ng picture sa google...
imaginin kung anong mangyayari kung tatakbo sa iba't-ibang direction ang mga kabayo habang nakatali extremities mo dito....*morbid grabeeeeh....



imaginin kung kainin ka ng mga starving lions!!!

ilan lamang 'yan sa mga pinagagawa nila sa mga naniniwala kay Lord dati...ang lupet diba?! sabi pa nila na kahit mga sanggol di nila pinapalampas, mga sadista sila kung pumatay---buti lang sana kung patay agad! kaso pinapahirapan pa sila, pinapalasap pa kung gaano kasakit ang sakit...


Sabi rin nila posible daw na mauulit ulit 'yan...'yong tipong History repeat itself siguro...hehe basta ewan ko. basta sabi nila dadating din ang panahong mauulit muli 'yan...(at sa mga nag labsang balita ngayon around the world...agree ako lalo na 'yong muslim march daw sa amerika! hindi ako racist ha...sori basta sori kung islam ka...)

naisip ko tuloy nung pag pako nila kay Hesus sa krus--isa lang siguro 'yon sa mga marami pang kasakiman nila!

kaya pala grabeeeh rin 'iyong promise ni God na punishment! kung dati kinekwestyon ko yan kung bakit---na akala ko ba God is Love at di nya magagawa ''yan....ngayon naiintindihan ko na...

pero wait lang...ito nga ba ang dahilan kung bakit bored ako? ang labo ko!

nga pala ito nga pala pet ko! hehe


di kita masisisi kung maiisip mong sabog ba ako...kahit sila kinekwestyon din ako kung tama pa ba ang oras ko sa pagtulog...

T_T

Thursday, February 3, 2011

ika-4 ng Pebrero. totoo. promise.

February 4- eksaktong araw ng pangyayari may 4 taon o higit ng nakalipas. Eksaktong sampung araw bago ang valentines day.
I could still remember the look on his face, ang namimilog niyang mga mata at parang namumula---habang diretsyong nakatingin  sa'kin.

Habang 'Sh*T 'wag ngayon! kung iiyak ka 'wag sa harap ko!' naman ang sinisigaw ng aking isipan. Isang awkward na pangyayaring kahit kailan hindi ko magawang kalimutan.

Hapon na ng mga oras na 'yon, 4:30 to be exact---ang oras na pinagkasunduan naming oras ng pagkikita. araw araw.

High school pa kami nun (graduating), pero taga ibang school siya since nag transfer ako ng school galing sa school niya to ibang school. Hindi siya kilala ng mga naging kaibigan ko sa bago kong school. Hindi ko rin alam ba't sinasabi kong "wala" sa tuwing nagtatanong naman sila kung may bf na ba talaga ako. Hindi ko rin alam on the other side kung ganun din ba siya----na itago na lang natin sa pangalang J*ck. (since 'yan naman talaga totoo niyang pangalan)

Matagal-tagal rin kami nagkakilala bago naging "kami", gustong-gusto ko lang ang sense of humor niya---pero hanggang doon lang. talaga.

Hindi ko talaga alam kung anong klaseng virus ang dumapo sa utak niya kung bakit isang araw pagmulat ko'y nangliligaw na pala siya-----at first akala ko talaga joke lang niya 'yon, pero totoo na pala, 'lang hiya siya! 'kala ko ba 'lang ganyanan.

Alam na alam kong hindi ako ganun kaganda pero ba't ganun na lang kung magpumilit siya. Pero nung napansin ko na seryoso talaga siya---enexplain ko sa kanyang wala talaga-----wala akong nararamdaman sa kanya. "Why don't give it a chance." sabi pa niya ------sa text. Sh*t. Oo! malaking sa text lang talaga. Dahil ang totoo----in person hindi nya 'yan masasabi dahil puro hangin lang lumalabas sa kokote nya. Hindi ko alam kung ang babaw niya lang talaga o nagpaka insensitive lang.

So, ayon pumayag ako, at para patunayan na walang mapupuntahan ang relasyon na'to! naks!

Naalala ko pa, it was Jan 15 when we started that more than friends relationship. Exactly 20 days bago ang ika-4 ng Pebrero. 20 days of happiness, kalungkutan at pagbabago. Sa isang iglap lang------napansin kong may nagbago sa kanya w/in that 20 days lang. Naging seryoso na siya bigla like always-----which is hindi na nakakatawa. Ma-late ka lang ng kunti--kung anu-ano ng iniisip, hindi ka lang naka-reply o 'di nasagot ang tawag niya--nagtatampo na. If you'll ask him if his okay, he'll answer yes but you know he's not.! Nakakainis, nakakaasar, parang immature lang. T_T at napakahigpit pa niya. 'Wala na ba akong freedom nito?' 'yon ang napako sa isipan ko sa mga oras na 'yon. 'arrgh...!!! i hated it! I wanted to give him up at that very moment na talaga-----but no. Sa tingin ko hindi 'yon ganun kadali. Sabi ko na nga ba eh---it won't work.

Hanggang isang araw---napagod na siguro siya't gusto niya mag usap kami ng masinsinan. Ang dami agad nagtatakbo sa isip ko the night before. Parang may mangyayaring ka-awkwardan.

So, ayon, Feb. 4 exactly 4:30 p.m. gaya ng napag-usapan like forever and after-----we'd talked. at take note---sa overpass pa talaga, parang nag a-eyeball lang. Sh*t. awkward. Hindi ko gusto ang nakaguhit sa mukha niya. I never seen his face that serious like before. Awkward. 'Fine, ano 'to punk'd?' nasabi ng isipan ko-----o si alter ego---alam ko nag-exist sa kasi siya noon pa man.

Presko pa talaga sa aking isipan and i don't have any idea up tp now why i'm writing it here in my blog! Gosh! grabeeeee!

Unang lumabas sa bibig nya was "ano? may nararamdaman ka ba talaga sa'kin?" after sa "hi" niya with a smile. "Jak, I told you before." sagot ko naman (at yep! in english talaga)... natigilan siya't tumahimik bigla sabay tingin sa kawalan. Habang ako naman 'plis! i wanna go home...' lang ang nabanggit ng aking isipan. Ang awkward talaga sabayan mo pa ng mga estudyanteng dumadaan sa aming giliran. Ang awkward lang.

By chance, nakalingon ako ulit sa kanya't---wait---Sh*t---luha ba 'yong nakita kung tumulo sa mukha niya---oo naman 'YOU STUPE!' omaayghaaad... he was weeping---silently, he was weeping. and the second time he spoke was "sige na, break na tayo.'yan naman talaga gusto mo diba?"...":ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko....wait-----say what?! he's breaking up with me daw...but wait------it was I who's supposed to say those words 'I'm the girl here!!! heloww...'. but whatever. at least...he let go of me. I'm free. Funny how i asked "sure ka?" after he made his decision. Promise. hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin, gagawin o ramdamin man lang within those moments. Basta sa totoo lang parang isang malaking hampas sa mukha ko ang na-imagine ko pagkasabi nya nun. Parang nabingi ako bigla.

Namumula mga mata niya awkward talaga. The H*ck!
So much for the drama.

I ended that ka-awkwardan by just leaving him alone, walking slowly, umasang baka susunod siya't "Hoy Riza! joke lang 'yon! nu ka ba?!" dahil ganun siya ka loko-loko't ka-hangin. Sana nga isa lang 'yon sa mga masasakit niyang jokes-----pero hindi eh!... totoo talaga. 'He won't follow riz, face it. you're losing him.'  ...tama nga, hindi siya sumunod...in fact, when i turned back-----he was walking in the other direction.---w/o looking at me back. at sa mga oras na 'yon.... Isang malaking Shucks! am i losing him nga? ang sama ko ba? at kung anu-ano pang mga katanungang naglilipiran sa isip ko. Pero sa totoo lang talaga wala akong naramdamang sakit o kung ano pa mang dapat ko ring iyakan.

Hindi lang talaga ako inlab, wala talaga eh----wala akong feelings para sa kanya, in fact i'm with someone else sa school ko, pero hindi seryoso, parang kami na parang hindi. ewan (at 'yon siya ang gusto ko). I know that moment i just lost him, and most of all---our friendship. Naalala ko tuloy tuwing pagkatapos ng skwela---Jak and I go out together---find a quiet place to rest, kahit gagawa lang ng mga assignments, learning lessons together kahit di kami classmates, o mag sound trip lang---nakakaya naming e waste ang time together para lang mag sound trip. Pareho kami ng gusto sa maraming bagay. Hindi siya mayabang kahit ang galing niyang mag Dota. Alam na alam niyang hindi ako kumakain ng kwik-kwik at balot. at kung kumain ako nun kasama niya, he perfectly know i was just faking it.

But 3 or 4 days after the break-up....he called me and asked me if we could talk....i just said "no" ayoko na.

At doon natapos ang lahat. He was my third and last. single na ako like forever after him. kasi naman parang ayoko na...baka may mapaiyak naman ako, naks! loko lang!---pero ang totoo, baka kasi ako naman ang iiyak sa susunod.

balita ko goth/black metal na daw siya at long hair...at ewan ko kung bakit-----dahil ba alam na alam niyang in love ako masyado sa mga emo music---at ayaw na ayaw ko sa mga lalaking long-haired? XD kung ganun---nag rerebelde ba siya? 'wag naman sana.


.........................................................................................


wehehheehehhe pwede ba 'to isali sa contest ni kamila? lol

Thursday, January 20, 2011

mamamatay ka sa nerbyos!

Hindi. hindi na talaga 'to normal...kung bakit kasi sadyang ganun na lang ang takot at kaba'ng nararamdaman ko sa tuwing may papahintong motorsiklo sa'kin, ---dahil ba 'yon sa pamatay eksenang nangyari sa'kin ngayong buwan lang---ito na bang tinatawag nilang posttraumatic stress? kasalukuyan bang nag su-suffer talaga ako nito? O sadyang O.A. lang ako sa mga panahong ito?


Hindi ako inlab pero bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko---sa tuwing maglalakad ako mag-isa, o kaya sa tuwing tumatawid ako sa kalsada na wala naman sanang sasakyan at walang anumang dapat katakutan...


At kung bakit ako kinakabahan sa tuwing may patayan akong nababalitaan-----sa dyaryo o T.V. man. Dahil sa totoo lang hindi naman ako ganito ka concern dati---dahil tanggap ko namang ang mga bagay-bagay ay sadyang nangyayari lang.


Baha, sunog, at ang libo-libong kung anu-anong hayop na nabalitaan kong misteryosong namamatay kung saan-saang lupalop ng mundo---at bakit ako nenirbyos nito???


Climate changes, global warming, latest/newest microchips invented, nanobots, nibiru, at kung anu-ano pang mga pagbabago sa mundo---bakit parang nanghihinayang o nadidismaya ako sa mga bagay na 'to? dahil ba alam kong mga simbolo o mga palatandaan 'to na katapusan na ng mundo at wala akong magagawa dito?



2012 end of the world? hindi. hindi ako basta basta na lang naniniwala dito... lalong-lalo na't pati buwan, araw, at taon eh na predict nilang ending na 'yon...dahil sa pagkaka-alam ko---kahit ang mga anghel sa kalangitan hindi alam kung kelan ang "2nd coming of Christ"..........Pero bakit nalulungkot ako habang unti-unting papalapit ang taong ito? Dahil ba sigurado ako na may mga mangyayaring hindi ko man lang kayang isipin? Pero teka, araw-araw naman talagang may nangyayari ah!




Pero higit sa lahat, bakit ba ako natatakot mag-isa? bakit ba sadyang nag-faflash na lang sa isipan ko ang masasayang memoryang nadanasan ko? Bakit sadyang nagfaflash na lang sa isipan ko ang masasayang mukha ng aking ina, ama, at lola? bakit naiisip ko bigla ang mga kaibigan ko?


Bakit ba ang hirap na'ng pasayahin ang sarili ko? dahil ba tumatanda na ako?...bakit ang lungkot ko?


Mamamatay na ba ako?
...lasing ba ako?


Friday, January 14, 2011

walang improbment! yaaak!

haha! looking back on the things i was doing before----http://rizaitgirl.blog.friendster.com/2010/08/oh-crap-you-lost-your-what/ --- my very first blogging site ---->>>> sa friendster haha!

hindi ako sure kung may mga pagbabago ba the way i write o mas naging walang kwenta lang ako lalo. hahay...

Saturday, January 8, 2011

ano ba talaga ang nagyari sa buhay ko kagabi...

In case you are really interested---paki click na lang ....salamat...pwede ring umurong kunyari na lang di mo 'to nabasa... hehe...T_T nyay!

Sunday, January 2, 2011

hay buhay....T_T

Naubos na'ng fruitcake na binabalikbalikan ko sa ref noong Christmas eve pa - pero di pa rin ako nakapag decide...kung bakit pa kasi enopen-open up 'yong topic na 'yon ng mga echuserang kapitbahay ng lola ko noong reunion namin eh!

Balita - mag reretiro na daw 'yong pambansang kumadrona nila at wala ng ibang papalit - sana daw magkakaroon sila ng maternity clinic doon at kami ng pinsan ko ang mag mamanage! weeeh.! no way! ayoko ayoko talaga! at kung bakit? first of all, very rural ang lugar na 'yon (farm kasi) wala na namang internet, walang cable, walang mga wifi mga tindahan doon!  2nd of all, plano ko'ng magtrabaho sa ospital after i could get my certificate of employment...3rd of all plano ko'ng umexpat oo gusto ko'ng makapagabroad kahit ngayon na! (pero underqualified pa daw ako! dahil sa edad ko!) kaya 'yon ayoko...naging blanko't naging insensitive ang mga isipan ko dahil sa sarili ko'ng luho...

Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa'kin doon sa bayan ng lola ko - alam ko mababait ang mga tao doon (kahit di ako sure) pero ---pero---- no! not now! ang bata ko pa! ang bata-bata ko pa para mag manage ng ganun - bakit ba simple lang tingin nila doon? oh com'on people! we're dealing with lives here! nagtatrabaho pa lang ako ngayon pero minsan naisip ko di madali - lalo na pag alam mong arrrgh! high risk na mga makakasalamuha mo! at alam ko mabobore lang ako! Mamiss ko ang urban life ko'ng 'to...kahit magulo, maingay, okay lang basta dito lang muna ako (until makalipad na ako!XD)

at higit sa lahat - ayoko pa mag seryoso - unfair! mga kabatchmate ko nag-aaral pa - habang ako nag tatrabaho na! hindi pa naman ako 'yong tipong desperada magkapera! gusto ko pang eenjoy life ko nang walang nakataling ibang buhay - na wala akong aalahanin na ibang bagay... ang nasa isip ko kasi pag andoon na ako magtatanda ako, magmamature at pag matured ka na magiging boring kana, at pag boring ka nang tao - wala na kakausap sa'yo..di ka na IN sa uso...ang nasa isip mo ay iyong mga pasyente mo, negosyo mo, tax mo...bill ng pasyente mo...at etc etc etc etc... di ka na naa-update kung ano na ang mga nangyayari sa kabilang buhay..este sa totoong mundo este sa - labas i think?! kasi andoon na lahat focus mo...ang boring mo!

kaya ayoko pa ayoko pa talaga sa ngayon...alam ko this is an oppurtuinity that shouldn't be missed! T_T hahay buhay ang hirap!

T_T


Leelou Blogs

Monday, December 20, 2010

bespren?... bespren!... sa'n na kayo? andito pa't buhay pa ako! Hoy!

(the nostalgic edition) XD 


Marami ng pasko ang lumipas at ngayon mag - papasko na naman, ngunit  wala pa rin akong balita tungkol sa kanya...

kamusta na kaya siya? at 'yong isa pa, kamusta na rin kaya siya?

It's been years since huli kaming nagkita-kita "the bff" kuno...,marami na ring mga bagyong dumaan at sinira ang sanlibutan! hehe joke lang! 

Nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari nagkahiwa-hiwalay kami... 

Ang isa (itago na lang natin sa pangalang BFX, nakakahiya baka may blog din siya hehe XD) ay umiwi sa kanilang probinsya, at kung sa anong dahilan di ko alam...bata pa lang ako nun at walang paki-alam...hehe ansama!

itong isa naman (itago sa pangalang BFY) kahit mag kapitbahay lang kami ang hirap namang abutin...at sa kung anong dahilan - malalaman mo mamaya...(pero kung di mo feel makipag chikahan! ...ngayon pa lang mag hunos diri ka na't kunyari wala kang nabasa) lol! di totoo umalis ka na hehe...XD

So umh...ito na!

Like since birth mag bespren na talaga kami nitong si BFY, saksi ang langit at lupa pati na ang aming mga kapitbahay sa friendship naming dalawa...at kahit pinag-layo kami ng tadhana dahil nag lipat bahay kami - mas lalo namang nagiging close kami...

Hanggang nakisali naman sa scene 'tong si BFX kung saan bigla na lang lumitaw at nakilala sa isang lugar na pinupuntahan ko every Sunday ('til now)...

Naging close rin kami nito, at dahil dyan nag pasya kaming mag bespren!
"uy close lageeh tayo?" "oo nga noh?!" "friends? "no! Bestfriends!"
hehe saya!

Siya nga rin pala tagapagtanggol ko sa mga nangbubully! at marami rin akong nalaman tungkol sa buhay buhay dahil sa kanya...^^

Sadyang ang bait talaga ni Lord at nalamn ko na lang nung nag grade 3 na kami eh classmates pala si BFY ko at si BFX - at sila rin daw 'yong close sa klase nila...ewan ko na lang coincidence o for the sake of this BFF scheme! hehe...o ang bait lang talaga ni Lord...^_^

at doon nagsimula ang lahat... *wakas*

lol joke lang! pero sana ganun nga lang ka-simple ang nangyari, pero 'di eh! sadyang kelupit! lang talaga ng tadhana...

(teka umabot ka dito ah! chaka ang O.A. noh?)

Nung nag grade 5 na kami 'yon na nga umuwi na sa probinsya nila si BFX... Gustohin ko mang ampunin ko na lang siya -- di pwede eh! ang dami pang papers na epoprocess (di talaga ako nag attempt)...

So, ayon! kami ni BFY na lang ang na-iwan...hanggang sa lumipat na naman kami pabalik at naging kapitbahay ulit kami...

'Pero sa isang iglap lang biglang nagbago ang lahat...

Nasa High school na kami noon at andaming nangyari...of course, we met new friends T_T...
She met someone that wieghs more than I...Oo, masasabi ko talagang V.I.P. 'yong bagong nakilaa nya than I...*hikbi* XD

Sa twing magkasama kami with that "new" mas kinikibo pa niya kesa sa'kin, at first wala lang, pero umabot na kasi sa level na hindi nya na ako kinakausap pag andyan 'yon ...'til umabot sa extent na mapapaisip ka na sana may warp gate somewhere at pwede kang mag teleport sa ibang dimension habang nag-uusap pa sila...
Hanggang umabot sa point na hindi na ako nag papakita kay BFY pag-alam kong kasama na naman nya 'yong bago...

At sa twing magkasama na naman kami ni BFY at sa twing nalalaman ko'ng paparating na naman 'yong isa...umuuwi na lang ako kunyari may gagawin, mag-aaral, maylakad, mag-dadasal, maliligo...etcetera etcetera...

Hanggang I found someone new! mmh..no, actually, "something" new...nung nakilala ko si internet, si warcraft, si libro, si komiks, at si puzzle...

Iyon na wili naman ako...naging loner din ako nun...madami naman akong friends, kaso kadalasan mga lalaki...iba pa rin 'yong closeness naming mag BFF...

May time na rin na hinahanap-hanap ko na si BFX, nagtanong-tanong sa mga tita at pinsan nya kung babalik pa ba siya...pero wala, tila tinakloban ako ng langit at lupa! nun...I'm so LONELY... T_T

Isang araw, nagulat na lang ako - summer nun at paputa kami sa beach - nakita ko si BFX! dumalaw pala siya sa tita nya pero pauwi na naman siya sa mga sandaling 'yon, habang kami naman nakasakay na sa cab! tindi! ang sama! eks! eks!...unfair! nang 'di ko man lang siya nakausap...XD XD XD

at 'yon na nga ang huling araw na nakita ko siya, pero okay lang masaya naman ako't kinakawayan niya pala ako habang nakangiti namn ako sa kanya...^_^ (chaka@! na iyak ako sa flash back!) XD

Miss ko na talaga siya hanggang ngayon (present day)...



(silence...)





...
Pero mas nahihirapan ako nitong si BFY...grabeeeh...pressure! kapitbahay nga lang kami - pero di ko pa magawang mag "hi" sa kanya kapag nakasalubong kami... and I think ---ganun din siya...XD

But when I come to think of it -


'is it my fault?
'Did i build this gap?
'O kasalanan nya rin 'to?

Pero ang pinaka masakit sa lahat eh kung 'yong katabi ko lang talaga siya na nag hahang-over pero ni isa sa'min wala talagang nagkikibo'an...'iyong tipong walang hinga'an..lol...yong bigla mo na lang maiisip kung nakikita ka ba nya? o imagination ka lang pala...nag eexist ka ba talaga?...or worst denelete ka na ba niya totally sa memory niya...o baka may Alzheimer's lang siya...hehe

Minsan nga nakawilihan ko na ring isipin na sana magsampalan na lang kami hanggang mag-sosorryhan na at bestfriends na ulit! sana 'yon lang talaga kadali...XD

Naalala ko tuloy 'yong mga sandaling tila himala't pinapayagan ako ng mama ko'ng maglakwatsa khit gabi na basta kasama ko lang siya...'yong sa mga panahon ng pasko - sabay kaming namimili ng mga regalo para sa isa't-isa (kahit di na ako na e'excite dahil alam ko na ang surprisa niya) at sa mga oras na - na over ko 'yong mga fears ko - sa paputok, sa clown, sa octopus (rides) at ferris wheel ...


'yong mga sleepovers
'yong mga takas2x moment
'yong mga prank jokes niya kahit nakakasakit na T_T
'yong mga iba pa niyang jokes kahit korni na!
'yong eni'invite niya ako sa mga parties kahit di ko kilala at wala akong kakilala
'yong kusa siyang nagpapatalo para lang sa ikakasaya ko
'yong mga dirty little secrets niya
'yong nag shop lift siya (oops! 'wag isumbong kay tita!)
'etc etc etc at lahat lahat na!

Although medyo B.I. siya sa'kin at sa iba..pero wala akong masabi ang saya eh!

miss ko na nga siya...miss ko na sila...





T_T


Leelou Blogs

Tuesday, December 14, 2010

Isang malungkot na katutuhanan na ayaw ko sanang pag-usapan...

grabeeeh ka-title XD


(orginal title)

Isang malungkot na katutuhanan ngayong pasko at sa darating na pasko...



Ilang araw na lang pasko na pala
Pero bakit di ko feel?
Bakit di ko naaamoy ang mahalimuyak na simoy ng pasko?
Dahil ba walang snow?
O dahil talagang polluted lang ang lugar na 'to?

Habang sumusulyap ako sa mga nakasabit sa bintana,
bakit di na ako nahahalina't natutuwa?
Habang ang iba nagbabalot na ng mga regalo,
bakit di na lumulukso ang aking puso sa tuwa?

Habang masasaya ang mga mata na nakaguhit sa mukha ng mga bata,
pero bakit ako naluluha?
Dahil ba wala nga akong kayakap ngayong pasko?
Pero di pa naman Valentines day ah!

First time ko 'to - pero ito na ang naiisip ko dati pa,
alam ko'ng darating to sa buhay ko...
Alam ko'ng mag-iisa ako ngayong pasko...

Pero ito ba talaga ang dahilan ng kalungkutan ko?
O dahil alam ko na wala akong matatanggap na regalo?
Dahil dito sa lugar kung nasaan ako - di 'yan uso...

At sa tuwing ini-isip ko pa lang naiiyak na ako...
May makaka-alala pa kaya sa'kin ngayong pasko?
Ito na ba talaga ang tadhana ko?

Naalala ko tuloy noong bata pa ako - 
pasko lang talaga ang pinaka-aasam ko'ng araw sa boung mundo...
Dahil dati sa araw na 'to - alam ko'ng marami akong matatanggap na regalo,
alam ko'ng makakasama ko ang boung pamilya ko...

Pero ngayon, hindi ko alam kung magiging masaya pa rin ako
sa boung buhay ko at sa darating pang mga pasko...
Ang pasko, ordinaryong araw na lang ba 'to?

Kaya pala madalas nilang sabihin na 'ang pasko ay para lang sa mga bata'
at kung dati naging pilosopo ako at sinabing
'bakit para sa mga bata lang? sila ba ang nag bibirthday?
Ngayon maliwanag na't naiintindihan ko...

Ngunit sa'n nga ba ako ngayong pasko?
Nasa isang pribadong clinic nagtatrabaho...
Ngayon pa lang naiisip ko na - kapag nasa abroad o expat na ako,
ito rin kaya ang mararamdaman ko?

Ito rin ba kaya ang nararamdaman ng mahal nating mga OFW na hindi makakauwi
sa araw ng pasko?
Na hindi makakasama ng pamilya'ng naghihintay sa bahay at inaasam-asam ang pag uwi mo?

Pero ito na nga ba ang kapalaran ko?
O may panahon pa akong baguhin ito?
O dapat bang mas pipiliin ko na lang mag-isa at dapat masanay na rin ako?
Naguguluhan ako...

Kahit may nabasa akong libro tungkol sa pasko - 
na kahit nag-iisa ka pero 'pag nasa puso mo si Jesus
magkakaroon ka talaga ne Merry Christmas 

Pero sa tingin ko iba pa rin ang pakiramdam mo 'pag kasama
mo ang pamilya mo sa Nochebuena
o kahit mag movie marathon lang kayo...
Iba pa rin 'yong may babati sa 'yo ng totoo
at di sa text lang...

Siguro kung tatanungin mo ako kung ano ang wish ko ngayong pasko - 
alam mo na siguro - 
makakasama ko lang pamilya at mga kaibigan ko
masaya na ako...
kahit na wala akong bagong gamit tulad ng mga kapatid ko...T_T






T_T


Leelou Blogs

p.s. grabeeh 'do ko akalaing maiiyak ako habang sinusulat 'to...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...