
Hindi ako inlab pero bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko---sa tuwing maglalakad ako mag-isa, o kaya sa tuwing tumatawid ako sa kalsada na wala naman sanang sasakyan at walang anumang dapat katakutan...
At kung bakit ako kinakabahan sa tuwing may patayan akong nababalitaan-----sa dyaryo o T.V. man. Dahil sa totoo lang hindi naman ako ganito ka concern dati---dahil tanggap ko namang ang mga bagay-bagay ay sadyang nangyayari lang.
Baha, sunog, at ang libo-libong kung anu-anong hayop na nabalitaan kong misteryosong namamatay kung saan-saang lupalop ng mundo---at bakit ako nenirbyos nito???


2012 end of the world? hindi. hindi ako basta basta na lang naniniwala dito... lalong-lalo na't pati buwan, araw, at taon eh na predict nilang ending na 'yon...dahil sa pagkaka-alam ko---kahit ang mga anghel sa kalangitan hindi alam kung kelan ang "2nd coming of Christ"..........Pero bakit nalulungkot ako habang unti-unting papalapit ang taong ito? Dahil ba sigurado ako na may mga mangyayaring hindi ko man lang kayang isipin? Pero teka, araw-araw naman talagang may nangyayari ah!
Pero higit sa lahat, bakit ba ako natatakot mag-isa? bakit ba sadyang nag-faflash na lang sa isipan ko ang masasayang memoryang nadanasan ko? Bakit sadyang nagfaflash na lang sa isipan ko ang masasayang mukha ng aking ina, ama, at lola? bakit naiisip ko bigla ang mga kaibigan ko?
Bakit ba ang hirap na'ng pasayahin ang sarili ko? dahil ba tumatanda na ako?...bakit ang lungkot ko?
Mamamatay na ba ako?
...lasing ba ako?