Pages

Wednesday, January 26, 2011

woot woot!!! manood ng pelikula hanggang mahulog ang iyong mga mata (late post)

sorry sa disturbing kong title sa post na 'to---wala lang talaga akong maisip na di maxadong lame...XD


hindi ko talaga alam kong ano pa ang ibang pangarap ko sa buhay---ang sa'kin lang makapanood lang ako ng mahusay na mga films 'yong tipong na touched talaga ako masaya na ako----ah wait parang alam ko na ata ang iba pang pangarap ko--->>>ang maging movie holic mmmmh...critic  kaya, adik? pwede rin...hehe


ang post nga palang ito (parang bata lang) ay tungkol sa mga napanood kong mga 2010 movie at ininclude ko na rin sa mga list of favorites ko--OH NO! hindi pala lahat---pero napanood ko lang kasi kaya ininclude ko na rin lool...you may find it all boring pero okay lang...hehe kahit ako na bored rin...hehe


so 'ito na:


(2009 movie ito pero sinali ko lang---year 2010 ko na kasi napanood 'to) siyempre sino ba naman ang hindi ma iintriga sa pelikulang ito! 2012 end of the world daw! siyempre hindi ko 'to pinalampas noong naki intriga na rin ako! naalala ko pa 'yong climax nag uunahan talaga sila sa korteng spaceship na 'yon kung saan bonggang tiwala nila na ligtas na sila kung makakasakay sila doon---->>>at yep! kahit anung yaman mo hindi makakaligtas sa'yo pag end of the world na talaga!
uu nga pala this movie too reminds me f Noah and the ark...^_^
Learned lesson: mmh...ingatan ang ating likas na yaman...lool hahay.. ewaN...



ito rin isang 2009 movie pero late ko na siya napanood---at dahil sa movie na'to ang dami kong natutunan na rules---> at dahil sa movie ring ito parang gusto ko na atang magkaroon ng Hummer! oh dabuh! hehe ito ang Zombieland. Dito ko rin pala nalaman na nakaka zombie pala pag nakakain ka ng cow na may madcow disease lol
Learned Lesson: 'wag kumain ng may madcow disease, rule#2 beware of bathrooms, rule#3 seatbelts, rule#4 doubletap, rule#6 travel in a group, rule#7 keep the dumb dumbs close at hands, at higit sa lahat rule#21 Zombies don't climb loool oh see? hehe parang zombie 101 na rin


Dahil na gustuhan ko naman 'yong tandem nila ni Megan Fox lahat na ata ng upcoming movie niya ay susubaybayan ko na lang rin...hehe and yep! i'm talking about Amanda Seyfried na hanggang ngayon hindi ako makapaniwalng siya pala iyong isa sa PLASTICS noong MEAN GIRLS with Linday Lohan...ang tanga kasi ng character niya doon lool


So ito third in my list is Letters to Juliet na intriga rin kasi ako kung sino si Juliet but watching it from the very beginning up to the end hindi ko talaga nakita si Juliet---basta may kung anong hiwagang nababalot ang storya ni Juliet dito---taga recieve pala siya ng mga letters about love and whatever struggles in life at nagbibigay siya ng advice parang Dear Charo pero mas madrama lang...hehe
Learned Lesson: 'wag makipagnobyo sa isang chef na puro trabaho lang ang nasa isip...lol joke lang hehe



 Ewan ko! di ko talaga naiintindihan ang mga kaguluhang nangyari sa nakakatakot "daw" na movie na 'to na puro ingay lang naman ang nakakatakot dito pero pagkatapos noong first nito pinanood ko na rin ang part 2 hehe...and yep! ito nag Paranormal Activity 2
Learned Lesson: 'wag mag rent o bumili ng bahay kung di pa na pa-bless hehe




The Expendables. Hindi ko alam since when ba ako nagka interest sa mga ganitong klaseng pelikula pero pinanood ko talaga para e-recommend ko lang kay papa hehe. pero cool grabeeeh nag sama-sama ang mga bigating action stars para sa pelikulang ito! andito na si Sylvester Stallone, si Jason Statham, si Jet Li, si Bruce Willis, at may Arnold Schwarzenegger puh! oh dibuh?!
Learned Lesson: wala akong natutunan...basta grabeeeh ang mga stunts...'yon lang!



At ito si Angelina Jolie. siya talaga ang gusto kong maging bida basta sa mga ganitong klaseng film---pang action pa pwede ring pang romansa! haha loko lang... UU nga pala na intriga rin ako kung sino ba si Salt! and yep! ito ang Salt. Medyo na awa ako dito sa character niya---->>>against rin kasi ako sa mga violence against women and children---> isa lang kasi ang naalala ko sa pelikulang ito--->> pinagbubugbog siya dito...XD
Lesson Learned:mmmh...ewan ko hehe baka sa part 2 may mapupulot na ako..hehe



Uie ito! The Tourist. Love na love ko talaga ng bonggang bongga ang character ni Johnny Depp dito! alam mo 'yon parang tanga lang siya at walang alam sa mundo, api-apihan at 'yong tipong nasangkot lang talaga sa gulong pinaggagawa ni Elise (isang secret agent played by Angelina Jolie) at the end ang tanggang character ni Johnny Depp na si Frank ay ang totoong kriminal na pinaghahanap ng mga pulis! oh diba amazing! ikaw rin na manonood ay nag mukhang tanga rin sa twist ng estorya hehe joke lang...peace!
Lesson Learned:mag pretend minsan na mukhang tanga at the end ikaw rin naman ang magtatagumpay




Knight and Day.Sa totoo lang wala talaga akong maalala sa pelikulang 'to basta ang tingin ko lang ang mas na eexcite pa ako at medyo nakakabahan sa mga stunts ni Jolie sa Salt hehe. Pero natatawa rin ako minsan-minsan sa character ni Cameron Diaz. wala lang parang tanga lang rin. lol mmh.sorry Learned Lesson: 'wag magtiwala o biglang mahulog sa sino mang lalake---baka secret agent siya---o kaya wanted!


Kasunod naman ng The Expendables ay ito ang Red, grabeeh astig lang! ang galing noong isang matandang babaeng spy hehe na si Victoria played by Helen Mirren...medyo may pagka comedy rin naman ang action film na 'to...at wait lang napansin ko lang nahilig na ata rin ako sa mga spy2 movie last year ah...ngayon kaya? hehe well, let's see about that...
Learned Lesson: igalang at respetuhin natin ang mga matatanda...seryoso.



The Town.grabeeh at the first scene medyo na antig ako nang may mga taglines about Boston or Charles town as the bank robbery capital of America medyo ang sama pero some of them said that they're proud of it...ay tama ba?...ah basta may parang ganun akong nabasa... hindi ko sana papanoorin 'to in the sense na ayaw ko talaga kay Ben Affleck! after he labeled Filipino as what? di ko na maalala. it's just ang madrama nitong trailer caught me. at 'yon pinanood ko na lang...at ang drama nga parang nakarelate agad ako sa scene na may robber ng nagaganap parang ako lang noong nanakawan kami sa clinic...XD
Learned Lesson: rrrgh...grabeeh di ko kinaya 'to---ang fresh pa kasi sa isipan ko ang mga nangyaring incidenteng naganap sa totoong buhay ko.*hikbi*



ay ito! Resident Evil: Afterlife. grabeeeh sa lahat ng sequel nito ito pa lang ang nagustuhan ko talaga..ewan ko--ay sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang past sequels nito, pero dahil na gustuhan ko 'to bigla ni review ko tuloy lahat simula umpisa ...nakaka stress!
Learned Lesson: bago panoorin ang next installment ng isang pelikula dapat e review muna ang mga past sequels nito para maka relate ka. oo talaga.


The Social Network:wow! noong nabalitaan kong may facebook movie daw! siyempre di ko rin pinalampas to! isipin mo 'yong malalaman mo kung pa'no ba nagawa ang facebook na dati pala ay facematch---andami palang pinagdaanan ng site na 'to
Learned Lesson: 'wag maniwala kay Justin Timberlake haha joke!, at mawawala na daw ang facebook, at si Mark Zuckerberg ay ang pinakabatang bilyonaryo sa kasalukuyan. p.s. si Andrew Garfield daw ang susunod na gaganap na Spider Man


Eat Love Pray.bata pa lang ako paborito ko na talaga si Julia Roberts at sa lahat ng movie niyang napanood ko---she never failed to entertain me, naiiyak talaga ako pag nakakaiyak ang story, at natatawa naman pag nakakatawa talaga. at sa pelikulang ito ganun pa rin siya walang pagbabago ang galing pa rin nya! at ito na lang ang nasabi ko "I couldn't believe i could fall in love with this movie--it seems boring at first but later you'll find yourself laughing at some point =)" sa movie review ko sa fb wehehehe yaaaaak!
Learned Lesson: kelangan mo pa pala pumunta pa sa ibang bansa para hanapin ang 'yong sarili. so ano ka lang pala? imagination? bakit pa kelangan 'yan?


So dito naman tayo sa mga Cartoons at 3D movie--->>woot woot!


Una sa list kay ay ang Step-up 3D. hindi ko alam bakit gusto ko ang mga ganitong movie kung hindi musical eh mga sayaw2 lang, you may say it's a total waste of time watching this kind of movie...pero kung ako ang tanungin OO tama ka apir! hehe joke, wala lang gusto ko lang kasi manood ng mga sayaw2 malay ko baka may ma pulot rin akong steps dito, at isa pa napanood ko rin 'yong mga past sequels nito...wehehehe ang naalala ko lang dito eh grabeehh ang HOT ni Rick Malambri as Luke 
Lesson Learned:may napulot akong steps dito at ginamit ko sa concert namin last year! promise.


Next ay ang Piranha 3D.wala lang accidental lang pagkapanood ko nito pero grabeeeeeeee...those creepy monster fishes were all nakakatakot! pati ikaw lumulundag na rin pala sa grabeeeeeng kaba! wehehee pero hindi ako lumundag tinatakpan ko lang mga mata ko...hehe
Lesson Learned: kapag sa tingin mo ay patay na lahat ang mga piranha nagkakamali ka dahil buhay pa ang giant mader nila! 





Kick-Ass.haha! sa movie na 'to wala akong ibang masabi kung 'di adik! mga adik sila! akalain mo 'yon isang comic geek na gustong maging isang super-hero with all the costumes pa!---na wala naman silang super powers! pero tama siya bakit ba walang gustong maging isang super-hero balang araw? but this movie is full of awesomeness! ^_^
Learned Lesson: don't ever try to be a super hero---because it hurts!


Despicable Me. hehe sa trailer pa lang nito na kikyutan na talaga ako sa batang si Agnes na parang si boo sa Monster Inc. film. at dahil dyan inasam-asam kong sana mapanood ko rin 'to. kahit late na hindi naman ako nalungkot sa katunayan ang tawa lang ako ng tawa while pinapanood ko 'to hehe ang cute lang kasi---lalong lalo na 'yong sangkatotak na minions used for testing the inventions haha!. at uu nga pala i learned something out of this movie--kahit pala mga meanie/villain nanghihingi o umuutang pambudget para sa mga gagamitin nilang materials to rule over the world o kung anu-ano pang evil scheme nila!
Lesson Learned: ang sarap pala magpa ampon sa isang villain hehe




The Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader: sa totoo lang hindi ko talaga pinapanood ang nakakapagod panoorin na pelikulang 'to. lol pero wala lang, namangha kasi ako sa special effects, cinematography, at kung anu-ano pa saloob ng pelikulang 'to. Gusto ko na rin 'yong bagong Character dito na si Eustace, napakacomplicate ng pangalan pero nakakatawa siya na medyo nakaka-inis hehe. 
Lesson Learned:may mga warp gate pala kahit saan---akala ko sa wardrobe lang...hehe try mo! 

The Last Airbender. Grabeeeeeh...sobrang mangha talaga ako sa stunts, editing, cinematography at lahat lahat na sa pelikulang ito. kaso lang mas gusto ko pa 'yong cartoon version nito kasi nakakatawa si Aang doon. Dito kasi parang ang emo niya! parang wala sa mood palagi.hehe pero nagustuhan ko talaga.
Lesson Learned:.....(na stress) XD




at lastly ito! ang ganda rin ng visual effects ng pelikulan 'to! at 'yong kwento isang modernize na makalumang witch2 hunting---ay ewan (di ko naintindihan sarili ko XD) basta natawa lang ako medyo kay Dave played by Jay Baruchel na mukha loser lang, at ayon sa ibang commentators  bakit siya pa daw? he ruined the awesomeness of this movie daw---well, whatever basta para sa'kin he fits the character. at lam niyo na siguro na ang tinutukoy kong pelikula ay ang siyempre The Sorcerer's Apprentice. uu nga pala natawa ako sa villain nilang si Maxim Horvath, isa siyang villain pero parang ambait lang niya. hindi siya nakakatakot. mas natakot ako sa appearance ni Balthazar dito.lol
Lesson Learned:it is not cool to used cars for chasing!


uu nga pala siyempre napanood ko rin ang twilight at twilight saga--->>pero hindi ko ininclude sa list---NO WAY!

8 comments:

TAMBAY said...

ayun, nag update na din.. maligayang pagbabalik hehehe... nakow, movie marathon pala ang mode mo... hmmmm ganda nung 2012, narnia, last airvender, piranha, sorcerers apprentice.. iyan lang ang napanood ko sa nabanggit mo.. blue ray ha.. hehehe pirate nga lang...

riZa d' hoLic said...

haha! hehe na flatter naman ako parekoy hinihintay mo pala ang muli kong pagbabalik..hehe

at yep! toomooh! like ka rin 'yang mga na banggit mo..pirate? hehe hala ka parekoy! joke...^_^

Kamila said...

ang sipag ng entry mo riza ah... thumbs up ako sa zombie land.. sobrang lab na lab ko zombie land...!! Wahahaha.. at dahil din kase lab ko si JEss eisenberg.. yung kulot.. tama ba name..nyahahaha...

naalala ko yung letter's to juliet sa eroplano ko napanuod yan..at yung paranormal naman..nyeh nilibre ako nung kuya ko, pero wala din tinakpan ko lang maghapon mata ko

gusto ko din panuorin yung tourist,,narinig ko lang din sa kaibigan ko.. kaso inispoil mo na sa kin... hahaha pero okay lang dahil gusto ko pa din dahil nandun si johnny..

ang dame mo action na napanuod ah...minsan kase pag action di talaga ako maka-relate.. nakita ko nga yung trailer ng eat.pray.love... kaya nila nasabi na boring yan kase mas maganda basahin..pero nakita ko naman yung trailer.. ang ganda naman,..may naaalala naman ako sa panunuod ng step up 3d at ng despicable... nyahahaha....

:)
dame ko ba sinabi sensya na.. pero totoo lang di ako masyado mahilig manuod ng movie..... nyehh.. hahahaha

nyabach0i said...

natawa ako sa lesson learned mo sa airbender. ako rin nastress. :)

jhengpot said...

yung 2012 di ko yun makakalimutan!sobrang heart attacking! nuh daw?

Yung zombie land naman di ko pa mapapanuod kung di dahil kay kamila...hahaha... natatawa ako dun sa part na nagbiro na zombir yung isa sa mga ghost buster. aun binaril tuloy sya!

At yung sorcerers apprentice pinaka fave ko... galing tlga ni idol nicolas cage... :)

gusto ko mapanuod yung eat.love.pray

Xprosaic said...

Wow! ansipag manood ng palabas... Swerte mo marami ka pang oras para magbabad sa mga pelikula... hehehhehehe

riZa d' hoLic said...

haha sa totoo lang gusto ko lang talagang magyabang!!! haha joke...ewan ko ba..basta! parang may kulang lang sa week ko pag hindi ako nakapanood ng movie---kahit american classic films okay pinapanood ko na rin...lol

p.s chaka! ampangit!! binasa ko ulit 'tong post ko nakakahiya lang! andami pa lang wrong gramming, misspelling, at kulang kulang na mga words!!! arrrrrrgghhh!!! ka-inis....kahit ako di ko naintindihan mga sinasabi ko!!! pasensya na, napagod kasi ako while doing nito!!! as in... *hikbi* XD

Anonymous said...

後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮後宮

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...