Pages

Friday, August 12, 2011

Sulat ko sa'yo...'wag mong basahin

with kunting iyak, emosyon, at confidence...
ang sulat na'to ay inaalay ko sa'yo...
pero mababasa mo kaya 'to? sana hindi.. =/


Hindi talaga kita maintindihan, parang "there's a side of you that i never knew, never knew." & all the games you played you would always win always win..." dahil mahilig ka mag Left4Dead, Poker, Delta Hawk, at baril-barilan, not to mention Yuri's Revenge at, war craft. Akala ko isa ka lang makwelang tao, bow down lahat ng tao sa mga joke mo! kahit ang mama ko annoyed pagiging sarcasm mo...

Pero sabi ng mga ka office-mate mo---isa kang estrikto, takot sa'yo ang mga bagohang employado, saludo sila sa strong personality mo. Pero sabi ng mga kaibigan mo at mga kamag-anak mo mabait kamo?!...aw by faith, ako'y naniniwala rin naman sa kabaitan mo.

Supportive ka kahit di halata, saludo ako sa confidence mo, bilib rin naman ako sa self-control at patience mo. Ma swerte kami dahil masarap kang mag-luto, hinahanap-hanap ko ang specialty mo'ng mechado.

Naalala ko noong bata pa ako gustong-gusto ko talaga ang lasa ng pagtimpla mo ng Milo ko, kahit paulit-ulitin pa kitang magtimpla hindi ka nag sasawa---kahit magalit pa si mama.

Naalala ko noong bata pa ako, ina-away kita kung di mo maibigay ang gusto ko, pero alam mo na man kung saan ang kiliti ko. But medyo noong tumanda na ako, nakita ko na ma'ng sacrifices mo, at you really find ways to meet both ends.

Naalala ko noong bata pa ako pinapasyal mo kaming dalawa ni kuya sa plaza, habang naghihintay kay mama. Naghahabulan pa tayo sa gitna ni Rizal I mean ng statwa.

At noong nag-aaral na kami hinahatid mo pa kami kahit mala-late ka na.
Pinapahiram mo sa'kin 'yong glow in the dark mong relo hindi kay kuya, masira ko man hindi ka nagagalit kahit ito'y iyong iningat-ingatan----at kahit ika'y maingat sa lahat ng mga gamit mo. Dahil by faith---alam kong mas mahalaga pa ako sa'yo, kahit hindi naman ito sinasabi mo. =)

ayan...naiiyak na ako.. ='(


Kahit noong college years, nakikigising ka sa'kin ng maaga dahil O.J.T. na! ikaw nag rerepresentang ihatid ako-----kahit hindi mo sabihin...(dahil nakabihis ka na---and what's the point ba sa pag-gising mo rin ng maaga, dibuh?)

Never ka nagdalawang-isip na isugod ako noong nagka-dengue ako sa pinagtratrabahuan ko, Del Sur pa 'yon, Del Norte tayo, mahigit isang oras at kalahati ang byahe from your office hanggang sa location ko. Grabe lang, ni hindi ko magawang mag THANK YOU --- dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko---- "SORRY" o "THANK YOU"...


At noong na confine na ako --- ang ka room-mate kong pasyente pa mismo ang nagsabi ng "LOve na love ka talaga ng parents mo.., specially ng papa mo."
Dahil saksi siya sa pag-alaga nyo sa'kin sa loob ng semi-private room na 'yon ng hospital. Alam ng babaeng 'yon na pagkagaling mo sa office deritso ka na sa room kung saan na D5LR ako (dextrose). Umuuwi ka na kinabukasan para mag Oopis na naman. Alam ko ganun mo ako ka mahal.

P.s. at nasabi pa pala ng babaeng 'yon na kadalasan daw nagkakadengue eh up to 2 weeks bago nakakarecover---pero dahil daw grabe ang pag-aalaga nyo sa'kin, ang bilis ng recovery ko kahit nakisali na ang urinary tract infection ko...


Alam ko rin kahit di mo sabihin --- ako ang paborito mo sa aming tatlo ng mga kapatid ko. Eca'claim ko na lang kahit di ako sure --- pero 'yan ang conviction ko. =)



Di ko masusuklian lahat ng mga sakripisyo nyo, specially ikaw.

Soo...para sa akin ikaw ang super Hero ko! next to Jesus =).

Hindi ako nag e-effort talaga ng tribyut-tribyutan pero dahil papa kita...ito na... =)

Maraming salamat sa lahat-lahat...


Love you =')

Alam kong hindi ka emosyonal pero sana ma touch ka naman papa.

anyway di mo naman pala ito mababasa kahit esha-share ko pa to sa FB mo...hehe





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...