Pages

Friday, December 24, 2010

isa kang bayani, sir!

Dec. 25, 2010

halos mangiyak-ngiyak ako kagabi sa twing madadaanan ko ang mga kalye pa punta sa isang pribadong clinic na pinagtatrabahu'an ko ngayon...habang ako mag duduty pa lang, sila pasara na lahat...ito rin kasi ang isa sa mga masaklap na katutuhanan sa estado ng buhay ko ngayon...walang "HOLIDAY" baka nga eh isang araw 'di ko na ma define ang salita na 'yan...T_T

isa lang talaga nagpapasaya sa'kin kagabi - 'yong mga batang kalye na walang hiya na pumasok pa talaga sa O.P.D. at tinanong ako na "ikaw lang mag-isa te?" ng i-in your face pa't sabi "kawawa ka naman..." at sabi pa nung isa "bayaan mo te bigyan kita paputok mamaya" haha natuwa naman ako sa kanila at simula nun 'di na nila ako iniwan boung gabi...

kinabukasan (kaninang umaga lang mga 6:oo am) napilitan akong pumunta muna sa isang hospital kung saan bumili ako ng mga iilang syringe at syntocinon ampule dahil may pasyente'ng dumating at naubusan na pala kami ng ilang supplies...kaya 'yon! harsh moment  at bigla may kung ano na lang na pumasok sa isipan ko habang binabati ako ng isang guard na halatang pamilyado sa may entrance...wow! nag effort pa talaga siyang yumuko para lang batiin ako...nakakaflatter naman...T_T at 'yon bigla kong naisip na hindi lang pala ako ang nag-iisa at malungkot sa pasko - meron pa palang mga tao na kahit gusto sanang makasama ang boung pamilya eh 'di magawa-gawa dahil nakatali sa trabaho, para kanino? sa ibang tao? pa'no ang pamilya? ang mga anak nila? isang sakripisyo? ano ba'yan?! napaka unfair naman, andoon ang tatay nila upang pagsilbhan ang ibang tao - at hindi lang siya ---may libu-libo pang mga tao sa mundo na hindi kasama ang pamilya nila twing pasko...big deal ba talaga? ewan ko lang sa inyo...pero pag ako ang tinanong niyo - itinuturing ko 'tong araw na to na isang ESPESYAL! na inilaan para mag bonding ang boung pamilya kasama si Lord, kainan, partyhan...at lahat lahat na!


Leelou Blogs

3 comments:

nyabach0i said...

awwww. asan ka dalhan kita ng ham :) merry christmas po sa inyong dalawa ni manong guard.

riZa d' hoLic said...

haha! salamat po... nutawa naman ako bigla..! hehe Merry Christmas din sa'yo... ^_^

Kamila said...

Nurse ka ba riza jane? Waaah. ang lungkot naman nun... may work ka. Totoo lang nasa isip ko din ang mga nagpasko sa trabaho, at mga nagpasko na malayo sa pamilya.. hayyy....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...