Pages

Friday, January 28, 2011

heavygat experience feat. alter ego

ang mga sumusunod ay ang pangyayari at nangyari kagabi (jan. 28, 2011...around 11 pm)

haay...grabeeeh...hindi pa rin ako maka move on sa nangyaring eksena kagabi----hindi lang pampelikula pang Golden Globe award pa! haha joke! It was an astounding experience...grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.............

So ah...ano nga ba? Naalala ko pa when they first arrived, pumasok 'yong babaeng kasama ng pasyente---sigawan agad to the bones!-----with all the tensions saying to me "ma'am bilis! andyan ng ulo ng bata!" ako naman kagigising lang sabay sabi "ha? sige dali, buhatin niyo at ipasok sa D.R." sabay takbo patungong D.R. para makapagprepare ng set.

"ano? di nga pwede eh! dahil nakalabas ng ulo...at o! ano pang ginagawa mo dyan puntahan mo na! andyan na nga ang ulo eh!" sigaw niya sa'kin imbes na e follow niyang sinabi ko. XD "ma'am kelangan ko pa pong mag prepare ng set at mag sout ng sterile gloves kung andyan na talaga ang ulo. At isa pa po plis lang po 'wag kayong sumigaw at mag panik dahil nakakahawa" kalma kong sagot sa kanya---keeping my cool...o dibuh?! napakapro ang dating weheee... 'at kahit andyan ng ulo o kahit tuluyan na ngang lumabas-----okay lang 'yan, kahit di na nga eh!' dinig kong sabi ni alter ego.

"ha?! anu?! magpeprepare ka pa? mamaya na 'yan dahil andyan ng ulo sabi eh! sa pedicab!" sagot niya ulit sabay pasok sa D.R. kung asan ako kasulukuyan----at take note ha! pinasok pa niya sa loob tsinelas niya kahit may warning sign na sa labas ng pinto at ang putik! ang putik putik! powtek talaga oh! naisip ko na lang sino mag mamop niyan! dahil sa boung buhay ko ang pinaka-ayaw kong gawin ay mag mop ng sahig kahit sa bahay nga lang eh, sumasama talaga loob ko pag ako ang nautusan...feeling ko ambigat kasi at masakit sa kamay---kaya hanggang walis lang talaga ako plis!

Basta tumahimik na lang ako at nagprepare pa rin ng set at nag gloves sabay sabing "sige ma'am dalhin nyo ho 'tong set at 'wag na 'wag hawakan ang instruments ----sa gilid lang ng tray ha, okay?" Ayon tumakbo ako palabas it was 11:20 p.m. at sinabihan ko 'yong kasama na hubarin ang pajama at panty----take note: nasa gitna kami ng kalsada dahil nataranta na rin pala ang pedicab driver at hininto 'yong pedicab sa gitna sabay takbo2----buti na lang walang tao at madilim, medyo hassle nga lang kasi madilim---at ng pagtingin ko sa *morbid* niya "chaka! wala pang ulo uie!" 'mga sinungaling kayo!'sabay sabi ni alter ego. "sige buhatin nyo at ipasok sa D.R. akin na 'yong tray!" sabi ko naman. o dabuh! parang reyna lang kung mag-utos...

pagkatapos nilang buhatin at ipasok with all the putik ulit!----nag ungloves naman ako at nag sout ng iba ulit at ginawa ang karumal-dumal na krimen...pagkatapos ko silang palabasin lahat...lol! and yeah man! save the night! oh diba parang super hero lang...

pagkatapos ng lahat enexplain ko sa babaeng kasama ng pasyente na 'lang hiya na pinag sigaw-sigawan lang ako in front of me and alter ego na "ma'am kung hindi nyo po ako hinayaang makapagprepare ng mga gamit kanina---ano naman po ang gagawin ko sa labas kung wala man lang forceps at gunting pamputol?" 'ano makiramay at makisali na lang rin sa nerbyos niyo at tingnan na lang ang unti unti at pina-abtik at pina kalit na pag labas ng bata---habang kumakanta ng 'Aveeeeh aveeeeeh mariya...' dagdag ni alter ego. Buti naman at natauhan iyong babaeng kasama ng pasyente na mukhang mamamasyal lang sa luneta...



Well, I know it was just a little thing---but for me it was a great experience na feeling ko pag pokemon ako from level 1 nag level 20 agad dahil sa grabing experience points---kung nag kataon ngang doon siya nanganak sa loob ng pedicab na sobrang dilim at sa gitna pa ng kalsada habang pinapanood ng nag papanik na driver na binata pa pala...nakow!---hindi ko na ata ma imagine ang susunod na mangyayari...

First time sana ako magpa-anak sa labas ng D.R. pero grabeeeeeeeeeh lang ha hindi ako makapaniwalang hindi man lang ako nag panik o natakot o kinabahan man lang...'yong tipong norm na lang sa'kin ang mga bagay na 'yan 'yong tipong kahit sa eroplano sa jeepney o sa kalsada piece of cake na lang...hehe sa totoo lang parang gusto ko pa nga silang tawanan...haha! ayon natawa nga ako habang nilinis ang loob ng *morbid* ng pasyente na sorry ng sorry at salamat ng salamat na lang talaga ang masabi...XD So, pagkatapos nung pamatay pelikulang eksena...woot woot!

hahay...grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeh............bayani na rin ba kaya ako in that little way lang?...haaay...*hikbi*...

wehehehe XD



Wednesday, January 26, 2011

woot woot!!! manood ng pelikula hanggang mahulog ang iyong mga mata (late post)

sorry sa disturbing kong title sa post na 'to---wala lang talaga akong maisip na di maxadong lame...XD


hindi ko talaga alam kong ano pa ang ibang pangarap ko sa buhay---ang sa'kin lang makapanood lang ako ng mahusay na mga films 'yong tipong na touched talaga ako masaya na ako----ah wait parang alam ko na ata ang iba pang pangarap ko--->>>ang maging movie holic mmmmh...critic  kaya, adik? pwede rin...hehe


ang post nga palang ito (parang bata lang) ay tungkol sa mga napanood kong mga 2010 movie at ininclude ko na rin sa mga list of favorites ko--OH NO! hindi pala lahat---pero napanood ko lang kasi kaya ininclude ko na rin lool...you may find it all boring pero okay lang...hehe kahit ako na bored rin...hehe


so 'ito na:


(2009 movie ito pero sinali ko lang---year 2010 ko na kasi napanood 'to) siyempre sino ba naman ang hindi ma iintriga sa pelikulang ito! 2012 end of the world daw! siyempre hindi ko 'to pinalampas noong naki intriga na rin ako! naalala ko pa 'yong climax nag uunahan talaga sila sa korteng spaceship na 'yon kung saan bonggang tiwala nila na ligtas na sila kung makakasakay sila doon---->>>at yep! kahit anung yaman mo hindi makakaligtas sa'yo pag end of the world na talaga!
uu nga pala this movie too reminds me f Noah and the ark...^_^
Learned lesson: mmh...ingatan ang ating likas na yaman...lool hahay.. ewaN...



ito rin isang 2009 movie pero late ko na siya napanood---at dahil sa movie na'to ang dami kong natutunan na rules---> at dahil sa movie ring ito parang gusto ko na atang magkaroon ng Hummer! oh dabuh! hehe ito ang Zombieland. Dito ko rin pala nalaman na nakaka zombie pala pag nakakain ka ng cow na may madcow disease lol
Learned Lesson: 'wag kumain ng may madcow disease, rule#2 beware of bathrooms, rule#3 seatbelts, rule#4 doubletap, rule#6 travel in a group, rule#7 keep the dumb dumbs close at hands, at higit sa lahat rule#21 Zombies don't climb loool oh see? hehe parang zombie 101 na rin


Dahil na gustuhan ko naman 'yong tandem nila ni Megan Fox lahat na ata ng upcoming movie niya ay susubaybayan ko na lang rin...hehe and yep! i'm talking about Amanda Seyfried na hanggang ngayon hindi ako makapaniwalng siya pala iyong isa sa PLASTICS noong MEAN GIRLS with Linday Lohan...ang tanga kasi ng character niya doon lool


So ito third in my list is Letters to Juliet na intriga rin kasi ako kung sino si Juliet but watching it from the very beginning up to the end hindi ko talaga nakita si Juliet---basta may kung anong hiwagang nababalot ang storya ni Juliet dito---taga recieve pala siya ng mga letters about love and whatever struggles in life at nagbibigay siya ng advice parang Dear Charo pero mas madrama lang...hehe
Learned Lesson: 'wag makipagnobyo sa isang chef na puro trabaho lang ang nasa isip...lol joke lang hehe



 Ewan ko! di ko talaga naiintindihan ang mga kaguluhang nangyari sa nakakatakot "daw" na movie na 'to na puro ingay lang naman ang nakakatakot dito pero pagkatapos noong first nito pinanood ko na rin ang part 2 hehe...and yep! ito nag Paranormal Activity 2
Learned Lesson: 'wag mag rent o bumili ng bahay kung di pa na pa-bless hehe




The Expendables. Hindi ko alam since when ba ako nagka interest sa mga ganitong klaseng pelikula pero pinanood ko talaga para e-recommend ko lang kay papa hehe. pero cool grabeeeh nag sama-sama ang mga bigating action stars para sa pelikulang ito! andito na si Sylvester Stallone, si Jason Statham, si Jet Li, si Bruce Willis, at may Arnold Schwarzenegger puh! oh dibuh?!
Learned Lesson: wala akong natutunan...basta grabeeeh ang mga stunts...'yon lang!



At ito si Angelina Jolie. siya talaga ang gusto kong maging bida basta sa mga ganitong klaseng film---pang action pa pwede ring pang romansa! haha loko lang... UU nga pala na intriga rin ako kung sino ba si Salt! and yep! ito ang Salt. Medyo na awa ako dito sa character niya---->>>against rin kasi ako sa mga violence against women and children---> isa lang kasi ang naalala ko sa pelikulang ito--->> pinagbubugbog siya dito...XD
Lesson Learned:mmmh...ewan ko hehe baka sa part 2 may mapupulot na ako..hehe



Uie ito! The Tourist. Love na love ko talaga ng bonggang bongga ang character ni Johnny Depp dito! alam mo 'yon parang tanga lang siya at walang alam sa mundo, api-apihan at 'yong tipong nasangkot lang talaga sa gulong pinaggagawa ni Elise (isang secret agent played by Angelina Jolie) at the end ang tanggang character ni Johnny Depp na si Frank ay ang totoong kriminal na pinaghahanap ng mga pulis! oh diba amazing! ikaw rin na manonood ay nag mukhang tanga rin sa twist ng estorya hehe joke lang...peace!
Lesson Learned:mag pretend minsan na mukhang tanga at the end ikaw rin naman ang magtatagumpay




Knight and Day.Sa totoo lang wala talaga akong maalala sa pelikulang 'to basta ang tingin ko lang ang mas na eexcite pa ako at medyo nakakabahan sa mga stunts ni Jolie sa Salt hehe. Pero natatawa rin ako minsan-minsan sa character ni Cameron Diaz. wala lang parang tanga lang rin. lol mmh.sorry Learned Lesson: 'wag magtiwala o biglang mahulog sa sino mang lalake---baka secret agent siya---o kaya wanted!


Kasunod naman ng The Expendables ay ito ang Red, grabeeh astig lang! ang galing noong isang matandang babaeng spy hehe na si Victoria played by Helen Mirren...medyo may pagka comedy rin naman ang action film na 'to...at wait lang napansin ko lang nahilig na ata rin ako sa mga spy2 movie last year ah...ngayon kaya? hehe well, let's see about that...
Learned Lesson: igalang at respetuhin natin ang mga matatanda...seryoso.



The Town.grabeeh at the first scene medyo na antig ako nang may mga taglines about Boston or Charles town as the bank robbery capital of America medyo ang sama pero some of them said that they're proud of it...ay tama ba?...ah basta may parang ganun akong nabasa... hindi ko sana papanoorin 'to in the sense na ayaw ko talaga kay Ben Affleck! after he labeled Filipino as what? di ko na maalala. it's just ang madrama nitong trailer caught me. at 'yon pinanood ko na lang...at ang drama nga parang nakarelate agad ako sa scene na may robber ng nagaganap parang ako lang noong nanakawan kami sa clinic...XD
Learned Lesson: rrrgh...grabeeh di ko kinaya 'to---ang fresh pa kasi sa isipan ko ang mga nangyaring incidenteng naganap sa totoong buhay ko.*hikbi*



ay ito! Resident Evil: Afterlife. grabeeeh sa lahat ng sequel nito ito pa lang ang nagustuhan ko talaga..ewan ko--ay sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang past sequels nito, pero dahil na gustuhan ko 'to bigla ni review ko tuloy lahat simula umpisa ...nakaka stress!
Learned Lesson: bago panoorin ang next installment ng isang pelikula dapat e review muna ang mga past sequels nito para maka relate ka. oo talaga.


The Social Network:wow! noong nabalitaan kong may facebook movie daw! siyempre di ko rin pinalampas to! isipin mo 'yong malalaman mo kung pa'no ba nagawa ang facebook na dati pala ay facematch---andami palang pinagdaanan ng site na 'to
Learned Lesson: 'wag maniwala kay Justin Timberlake haha joke!, at mawawala na daw ang facebook, at si Mark Zuckerberg ay ang pinakabatang bilyonaryo sa kasalukuyan. p.s. si Andrew Garfield daw ang susunod na gaganap na Spider Man


Eat Love Pray.bata pa lang ako paborito ko na talaga si Julia Roberts at sa lahat ng movie niyang napanood ko---she never failed to entertain me, naiiyak talaga ako pag nakakaiyak ang story, at natatawa naman pag nakakatawa talaga. at sa pelikulang ito ganun pa rin siya walang pagbabago ang galing pa rin nya! at ito na lang ang nasabi ko "I couldn't believe i could fall in love with this movie--it seems boring at first but later you'll find yourself laughing at some point =)" sa movie review ko sa fb wehehehe yaaaaak!
Learned Lesson: kelangan mo pa pala pumunta pa sa ibang bansa para hanapin ang 'yong sarili. so ano ka lang pala? imagination? bakit pa kelangan 'yan?


So dito naman tayo sa mga Cartoons at 3D movie--->>woot woot!


Una sa list kay ay ang Step-up 3D. hindi ko alam bakit gusto ko ang mga ganitong movie kung hindi musical eh mga sayaw2 lang, you may say it's a total waste of time watching this kind of movie...pero kung ako ang tanungin OO tama ka apir! hehe joke, wala lang gusto ko lang kasi manood ng mga sayaw2 malay ko baka may ma pulot rin akong steps dito, at isa pa napanood ko rin 'yong mga past sequels nito...wehehehe ang naalala ko lang dito eh grabeehh ang HOT ni Rick Malambri as Luke 
Lesson Learned:may napulot akong steps dito at ginamit ko sa concert namin last year! promise.


Next ay ang Piranha 3D.wala lang accidental lang pagkapanood ko nito pero grabeeeeeeee...those creepy monster fishes were all nakakatakot! pati ikaw lumulundag na rin pala sa grabeeeeeng kaba! wehehee pero hindi ako lumundag tinatakpan ko lang mga mata ko...hehe
Lesson Learned: kapag sa tingin mo ay patay na lahat ang mga piranha nagkakamali ka dahil buhay pa ang giant mader nila! 





Kick-Ass.haha! sa movie na 'to wala akong ibang masabi kung 'di adik! mga adik sila! akalain mo 'yon isang comic geek na gustong maging isang super-hero with all the costumes pa!---na wala naman silang super powers! pero tama siya bakit ba walang gustong maging isang super-hero balang araw? but this movie is full of awesomeness! ^_^
Learned Lesson: don't ever try to be a super hero---because it hurts!


Despicable Me. hehe sa trailer pa lang nito na kikyutan na talaga ako sa batang si Agnes na parang si boo sa Monster Inc. film. at dahil dyan inasam-asam kong sana mapanood ko rin 'to. kahit late na hindi naman ako nalungkot sa katunayan ang tawa lang ako ng tawa while pinapanood ko 'to hehe ang cute lang kasi---lalong lalo na 'yong sangkatotak na minions used for testing the inventions haha!. at uu nga pala i learned something out of this movie--kahit pala mga meanie/villain nanghihingi o umuutang pambudget para sa mga gagamitin nilang materials to rule over the world o kung anu-ano pang evil scheme nila!
Lesson Learned: ang sarap pala magpa ampon sa isang villain hehe




The Chronicles of Narnia: The Voyage of the Dawn Treader: sa totoo lang hindi ko talaga pinapanood ang nakakapagod panoorin na pelikulang 'to. lol pero wala lang, namangha kasi ako sa special effects, cinematography, at kung anu-ano pa saloob ng pelikulang 'to. Gusto ko na rin 'yong bagong Character dito na si Eustace, napakacomplicate ng pangalan pero nakakatawa siya na medyo nakaka-inis hehe. 
Lesson Learned:may mga warp gate pala kahit saan---akala ko sa wardrobe lang...hehe try mo! 

The Last Airbender. Grabeeeeeh...sobrang mangha talaga ako sa stunts, editing, cinematography at lahat lahat na sa pelikulang ito. kaso lang mas gusto ko pa 'yong cartoon version nito kasi nakakatawa si Aang doon. Dito kasi parang ang emo niya! parang wala sa mood palagi.hehe pero nagustuhan ko talaga.
Lesson Learned:.....(na stress) XD




at lastly ito! ang ganda rin ng visual effects ng pelikulan 'to! at 'yong kwento isang modernize na makalumang witch2 hunting---ay ewan (di ko naintindihan sarili ko XD) basta natawa lang ako medyo kay Dave played by Jay Baruchel na mukha loser lang, at ayon sa ibang commentators  bakit siya pa daw? he ruined the awesomeness of this movie daw---well, whatever basta para sa'kin he fits the character. at lam niyo na siguro na ang tinutukoy kong pelikula ay ang siyempre The Sorcerer's Apprentice. uu nga pala natawa ako sa villain nilang si Maxim Horvath, isa siyang villain pero parang ambait lang niya. hindi siya nakakatakot. mas natakot ako sa appearance ni Balthazar dito.lol
Lesson Learned:it is not cool to used cars for chasing!


uu nga pala siyempre napanood ko rin ang twilight at twilight saga--->>pero hindi ko ininclude sa list---NO WAY!

Thursday, January 20, 2011

mamamatay ka sa nerbyos!

Hindi. hindi na talaga 'to normal...kung bakit kasi sadyang ganun na lang ang takot at kaba'ng nararamdaman ko sa tuwing may papahintong motorsiklo sa'kin, ---dahil ba 'yon sa pamatay eksenang nangyari sa'kin ngayong buwan lang---ito na bang tinatawag nilang posttraumatic stress? kasalukuyan bang nag su-suffer talaga ako nito? O sadyang O.A. lang ako sa mga panahong ito?


Hindi ako inlab pero bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko---sa tuwing maglalakad ako mag-isa, o kaya sa tuwing tumatawid ako sa kalsada na wala naman sanang sasakyan at walang anumang dapat katakutan...


At kung bakit ako kinakabahan sa tuwing may patayan akong nababalitaan-----sa dyaryo o T.V. man. Dahil sa totoo lang hindi naman ako ganito ka concern dati---dahil tanggap ko namang ang mga bagay-bagay ay sadyang nangyayari lang.


Baha, sunog, at ang libo-libong kung anu-anong hayop na nabalitaan kong misteryosong namamatay kung saan-saang lupalop ng mundo---at bakit ako nenirbyos nito???


Climate changes, global warming, latest/newest microchips invented, nanobots, nibiru, at kung anu-ano pang mga pagbabago sa mundo---bakit parang nanghihinayang o nadidismaya ako sa mga bagay na 'to? dahil ba alam kong mga simbolo o mga palatandaan 'to na katapusan na ng mundo at wala akong magagawa dito?



2012 end of the world? hindi. hindi ako basta basta na lang naniniwala dito... lalong-lalo na't pati buwan, araw, at taon eh na predict nilang ending na 'yon...dahil sa pagkaka-alam ko---kahit ang mga anghel sa kalangitan hindi alam kung kelan ang "2nd coming of Christ"..........Pero bakit nalulungkot ako habang unti-unting papalapit ang taong ito? Dahil ba sigurado ako na may mga mangyayaring hindi ko man lang kayang isipin? Pero teka, araw-araw naman talagang may nangyayari ah!




Pero higit sa lahat, bakit ba ako natatakot mag-isa? bakit ba sadyang nag-faflash na lang sa isipan ko ang masasayang memoryang nadanasan ko? Bakit sadyang nagfaflash na lang sa isipan ko ang masasayang mukha ng aking ina, ama, at lola? bakit naiisip ko bigla ang mga kaibigan ko?


Bakit ba ang hirap na'ng pasayahin ang sarili ko? dahil ba tumatanda na ako?...bakit ang lungkot ko?


Mamamatay na ba ako?
...lasing ba ako?


Monday, January 17, 2011

Ang 7 kung katangian na alam kong wala kang pakialam

Gusto ko munang pasalamatan ang taong ng bigay sa'kin ng karangalan na 'ito bakit kasi dinamay pa ako! hehe joke lang...Salamat kay (kuya) LHAN...^_^ ... hehe so far ito pa lang ang natanggap kong award...




Chaka! ito pala ay isang award na kung makakatanggap ka nito kelangan ka pang mandamay ng ibang tao na makakatanggap din nito---parang sakit na kelangan mong manhawa sa iba!...at kung pa'no ganito:



1. Bigyan ng pasasalamat ang nagbigay sa iyo ng award na ito sa pamamgitan ng paglilink sa kanya.
2. Ipaalaam sa madlang blogger ang 7 katangian mo na hindi pa alam ng ibang tao.
3. Matapos matanggap ang award ay i-award din ito sa 15 na bago mong nadiskubreng blogger.
4. At syempre ipaalam mo sa blogger na na mayroon silang award mula sa iyo.

so ito na---Ang 7 kung katangian na alam kong wala kang pakialam

1. una sa lahat ayaw na ayaw ko talagang ipag sabi kung sino o ano ang mga katangian ko sa ibang tao kahit sa mga kaibigan ko---gusto ko kasi sila ang maka discover kung sino talaga ako...hehe ^_^

2. ayaw ko sa mga taong nang aagaw ng kausap at attention---dahil gusto ko sa akin lang ang iyong attention!!!

3. hindi ako marunong mag follow ng instruction---lalo na pag di ko feel ang pinapagawa sa'kin---

4. mahilig ako sa mga abstract painting (kahit hindi ako marunong mag paint) lalo na't dark at emotional---dahil feel ko parang ang galing kong mag interpret ng mga ganun---kaya naging poet-poetan ako...

5. noong bata pa ako ayaw ko ng math!!! hanggang ngayon pag nakakita ako ng mga numbers kahit saan parang pumuputok ang mga neurons ko, technically...

6. pag sa kantahan hindi lumalabas ang boses ko in public----sa banyo lang! lol

7. ako ay tahimik, serioso, at surprisingly funny na tao----na mahilig sumayaw at sa tingin ko 'yan lang talaga ang talent ko sa buong buhay ko!!! wehehehe


So, ito na ang mga 15 blogger na gusto kong ipamahagi ang award na 'to-----at dahil wala sa rule na kahit nakatanggap na ang isang blogger eh di  na siya makatanggap ulit ng award na 'to so wala akong care kung meron na siyang award na ganito...loooool



ay sila lang muna napagod ako---hehe congratz sa inyo!!! ^_^

Saturday, January 15, 2011

ang sakit lang...

haha! grabeeehhh...hanggang ngayon wala pa rin akong naisip na may kwentang i post dito...kaya ito review ng review na lang muna sa mga pinagsusulat ko dati....

tulad na lang nito---hindi ako sure kung pa'no ko 'to na isulat basta ang alam ko-----"sakit" at depression lang na raramdaman ko nun...hindi ako emo hindi goth---pero .....arrgh! hindi ko kinaya talaga...

at ngayon, sinubukan kung basahin ulit----only to find----na wala pa lang sense at  wala akong na-intindihan sa sinulat kung 'to---ganun pala 'yon pag poot at galit ang nasa puso mo...---sa mga oras na 'yon.


(sulat 'to ni alter ego)



dying heart and broken




I am but shadow on a wall
I moan for no one can hear my call
In the beaming light I fear
for a gentle touch of it
can cause my skin to disappear

Times went by
Seasons have changed
But here I am awake and is still
As the twilight fills and the night falls
Still, the sound of silence is the lullaby
that keeps my eyes from closing

Upon the edge I’m standing
only to find out the truth, as it flicker on their faces,
pure enough for me to see
that even my shadow and blood
will turn against me
well, that is reality
Into the wave of crowd
I’m passing through
Saw the vicious eyes
looking for their next victim
Sounds of rage and violence
pierced through my ears
I found myself screaming
but nobody would tend to listen

I’m looking for something
I couldn’t even explain
I have nothing but this faith
I’m believing in
and this never ending string
The string of the wicked and death…

Through a looking glass
I see my face
there were ashes
divinely starts fading
and this room filled with beam
now starts drowning

This day may be over
and every breath I breathe I’ll save
bury myself to sleep
for tomorrow’s chances

This gushing blood I never felt
For this pain I earned is even worst
It’s too late for me to see
that’s something’s missing
Truth is but I’m all dead
for my heart is broken…

Friday, January 14, 2011

pinakalit at pina-abtik!

isa sa pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yong pag-gising mo as in kagigising mo lang then pinakalit at pina-abtik! (harshly/quickly and right away)...uutusan ka lang bigla pumuntang mall at bumili ng suka! grabeee lang ha nakaka bad trip lang...iisang item lang taz sa mall pa....

Well, okay lang naman talaga since ang lapit lang ng mall sa'min kaso...arrrrrgggghhh!!!! kagigisng ko lang kaya.......lam mo 'yon....' yong tipong "ma pls i need a break!"... ayaw ko kasing ganun iisang item nga lang taz nag mumukhang adik ka lang pag-puntang mall!---taz makipag siksikan ka pa sa mga tae--este! tao.

Ang gusto ko kasi pag pumuntang mall---dapat 'yong tipong pinaghandaan mo talaga kahit sa grocery ka lang banda! kahit iisang item lang...kahit kunyari nag wiwindow shopping lang...ayan tuloy na badtrip----binili ko na lang pera ko para kunyari ang dami kong binili----chaka!

walang improbment! yaaak!

haha! looking back on the things i was doing before----http://rizaitgirl.blog.friendster.com/2010/08/oh-crap-you-lost-your-what/ --- my very first blogging site ---->>>> sa friendster haha!

hindi ako sure kung may mga pagbabago ba the way i write o mas naging walang kwenta lang ako lalo. hahay...

Wednesday, January 12, 2011

TABA 2010 Finalists! andyan na sila!

Ewan ko kung pa'no 'to uumpisahan..hehe wala lang na e'exite lang ako---first time kasi akong nasali sa mga ganitong award sa pag boblog...salamat sa mga taong nag nominate sa'kin for Best in English Blogger of the Year as Rizadholic ng IExposed   (nagulat at natuwa talaga ako nun!)---kahit di talaga nila feel---pero okay lang! hehe eca-Claim ko pa rin 'yan...sayang! hehe so ito na mga binoto ko...



Best Post of the Year- Mga Kathang Isip ni Kiko


Best Blog Design -Sir Mots ng Teacher’s Pwet


Best Kikay Blog Design-Leah, My Tasty Treasures


Husay Managalog na Blogger of the Year-Adang sa Ang Mundo ni Tatay Adong


Best in English Blogger of the Year-Rizadholic ng IExposed


Most Active Blogger (Blog Category)-Lhan-Lhan ng Notbuk ni Lhan


Fashionista Blogger of the Year-Traveliztera


Bibong Blogger of the Year-Kiko Maximillos


Master Pogi Blogger of the Year-Xander ng A Boy Name Xander 


Friendliest Blogger of the Year-Lhan Notbuk ni Lhan


Most Promising Blogger of the Year-Kamilkshake






hehe tapos na! sana manalo kayo!------at (ako) juju

Monday, January 10, 2011

wow! grabeeeh...ang dark niya...!!! at si alter ego

wala lang gusto ko lang e-share---'weeeeh! para lang may e-post!' che! andyan ka na naman alter ego!

High school pa lang ako mahilig na talaga ako sa mga ganitong klaseng sketch, drawing or any form of this kind of art---hindi mo naman 'talaga 'to like eh! kung hindi lang sa lalake'ng nagbigay sa'yo ng emo drafts noong high school ...che! mga emo 'yon alter ego! ayaw ko na sa mga emo!

Hanggang nakilala ko siya and right away!!!!!!!!! nalula at naduling sa mga gawa niya ----grabeh! like ko talaga mga gawa niya...uu nga pala siya si Tim Burton---wala lang ang sarap lang mag collect ng mga nagawa niyang film with a touch of goth...(evil grin)

Wait lang anong goth nga pala ang sinasabi ko dito?--- maraming ibig sabihin ang goth---may goth na mga sinaunang tao sa Germany o tinatawag na Heterogeneous East Germanic tribe...

Hindi rin ito ang goth na isang klase ng music kung saan ma-dark at mga morbid lyrics! eeewww!

Ang goth na sinasabi ko dito ay ang cute na goth na may kaugnayan sa isang estilo ng macabre/mapanglaw which means having death as a subject: or comprising or including a personalized representation of death: tending to produce horror in a beholder.

OO alam ko dark---pero out of that darkish skeme! namuhay si Tim Burton at siya ay isang henyo! haaaaaay...

So ito na: check this out! (hindi ko sinali ang mga ibang gawa niya na sa tingin ko ay nakakasuka tignan =)

Mag simula tayo kay Edward Scissorhands-hindi siya patay pero isa siyang artificial na tao

Edward Scissorhands 1990
bata pa lang ako noon nung nakita ko 'to imbes na natakot ako'y namangha! (may love story kasi...)

Batman returns: hindi ko to napanood---wala lang nalula lang sa galing ng graphics!

Batman Returns (1992)

The nightmare before Christmas- ito pagmasdan ang drawing ---galing...


The Nightmare before Christmas 1993



Mars attack- haha! naalala ko dati usong-uso 'to kahit sa mga panaginip ko nagkalat 'tong mga alien na 'to hindi sila mga patay pero ------Tim Burton kasi! hehe
Mars attack 1996

Sleepy Hollow- ito love ko talaga 'to love ko na rin dito si Johnny Depp---love ko talaga lahat ng role ni Depp kapag kay Tim Burton siya nakatali...hehe


Sleepy Hollow 1999
look at the background feel it! feel it! haha adik! but really ganda noh?! parang painting lang...haaay.... 

Big Fish- ito na weweirdohan ako sa movie na 'to ang daming ewan na nag kalat sa mga scene pero ayos pa rin! galing!

Big Fish 2003


Charlie and the Chocolate factory- ito love ko talaga ang character ni Johnny Depp dito as Willy Wonka...hehe medyo madrama to na natawa at naiyak na lang ako bigla!


Charlie and the Chocolate Factory 2005



Corpse Bride- ito ang pinaka paborito ko sa lahat =) at ito ang pinaka goth para sa'kin hehe...


Corpse Bride 2005

Sweeney Todd- wow! Johnny Depp na naman at gusto ko ang storyang 'to!


Sweeney Todd 2007

At last ko'ng napanood na gawa niya ay ang siyempre

Alice in Wonderland- para sa'kin boring ang mga cartoon versions nito pero pag sa itong film na 'to--togsss!perfect! haha at siyempre andyan na naman si Johnny Depp



Alice in Wonderland 2010


haaaaaaaaay.....ang sarap mag movie marathon!!!


p.s. sa sobrang adik ko nito nakagawa na ako ng tula about goth...wehehehe yaaak!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...