Pages

Sunday, January 2, 2011

hay buhay....T_T

Naubos na'ng fruitcake na binabalikbalikan ko sa ref noong Christmas eve pa - pero di pa rin ako nakapag decide...kung bakit pa kasi enopen-open up 'yong topic na 'yon ng mga echuserang kapitbahay ng lola ko noong reunion namin eh!

Balita - mag reretiro na daw 'yong pambansang kumadrona nila at wala ng ibang papalit - sana daw magkakaroon sila ng maternity clinic doon at kami ng pinsan ko ang mag mamanage! weeeh.! no way! ayoko ayoko talaga! at kung bakit? first of all, very rural ang lugar na 'yon (farm kasi) wala na namang internet, walang cable, walang mga wifi mga tindahan doon!  2nd of all, plano ko'ng magtrabaho sa ospital after i could get my certificate of employment...3rd of all plano ko'ng umexpat oo gusto ko'ng makapagabroad kahit ngayon na! (pero underqualified pa daw ako! dahil sa edad ko!) kaya 'yon ayoko...naging blanko't naging insensitive ang mga isipan ko dahil sa sarili ko'ng luho...

Natatakot kasi ako sa pwedeng mangyari sa'kin doon sa bayan ng lola ko - alam ko mababait ang mga tao doon (kahit di ako sure) pero ---pero---- no! not now! ang bata ko pa! ang bata-bata ko pa para mag manage ng ganun - bakit ba simple lang tingin nila doon? oh com'on people! we're dealing with lives here! nagtatrabaho pa lang ako ngayon pero minsan naisip ko di madali - lalo na pag alam mong arrrgh! high risk na mga makakasalamuha mo! at alam ko mabobore lang ako! Mamiss ko ang urban life ko'ng 'to...kahit magulo, maingay, okay lang basta dito lang muna ako (until makalipad na ako!XD)

at higit sa lahat - ayoko pa mag seryoso - unfair! mga kabatchmate ko nag-aaral pa - habang ako nag tatrabaho na! hindi pa naman ako 'yong tipong desperada magkapera! gusto ko pang eenjoy life ko nang walang nakataling ibang buhay - na wala akong aalahanin na ibang bagay... ang nasa isip ko kasi pag andoon na ako magtatanda ako, magmamature at pag matured ka na magiging boring kana, at pag boring ka nang tao - wala na kakausap sa'yo..di ka na IN sa uso...ang nasa isip mo ay iyong mga pasyente mo, negosyo mo, tax mo...bill ng pasyente mo...at etc etc etc etc... di ka na naa-update kung ano na ang mga nangyayari sa kabilang buhay..este sa totoong mundo este sa - labas i think?! kasi andoon na lahat focus mo...ang boring mo!

kaya ayoko pa ayoko pa talaga sa ngayon...alam ko this is an oppurtuinity that shouldn't be missed! T_T hahay buhay ang hirap!

T_T


Leelou Blogs

7 comments:

Roh said...

riza jane! ^^ sorry ha. ngayon lang kita nafollow! at sa pagbawi ko sa iyo ay inilagay na kita sa link ng 2 kong blog. sana ay iyo ring ilagay ang aking 2 blog! salamat!

http://notbuknilhan.blogspot.com
http://lifemeetshappiness.blogspot.com

jhengpot said...

pareho tayo teh! mahirap ang kumplikadong buhay, malamang! Pero try mo pa din, experience din yun.. Nakakatakot nga lang, kasi diba parang ganyan yung settings ng pinangyarihan nung nabalitang gang rape? sa baryo, tama ba? Pero di kita tinatakot ha... try mo lang!

riZa d' hoLic said...

@ lhan: buti namn at dininig mo ang aking munting kahilingan hehe =) okie2 granted =)

@jhengot: haha nananakot ka ba teh?! sabihin mo lang hehe..pero thanks...hehe

Roh said...

ahaha basta ikaw! ^^

Kamila said...

Lol.... si Jheng...

Anyway... Riza Jane.. di ko pa pala nasubukan basahin yung kabila mong blog.. yaan mo hinihintay ko lang na magpost ka ulit..at babasahin ko na..

yung binigay mong link sa kin babasahin ko maya-maya

Kung ako sayo Wag ka pumayag!! ahhaahhaahhaahahhaha ang sama ko ba? I mean madame kaya nagsasabi na dapat naglilingkod ka sa sarili mong bayan..pero hello... kailangan muna natin pagkingkuran sarili natin... hahaha ay..? DI ko alam kung may sense ba talaga sinasabi ko.. Pero be practical lang. Mas madaming experience sa URBANIDAD. at isa pa mas madami ka matututunan... Bata pa tayo.. hayaan mo na yung mga passionate na muna ang humawak sa mga ganung bagay... sana naman maging okay ang lahat sayo...

mahirap makulong sa lugar na hindi mo gusto..mahirap gawin mga bagay na ayaw mo.. wala lang. ahhahaha x)

riZa d' hoLic said...

@lhan: haha salamat naman...

@ kamila: wow! kahaba nang comment..hehe but anyway thanks! it mADE sense naman ang gina comment mo uie...hehe...pero Tomoh!

p.s. about doon sa kabila kong blog hayaan mo na lang 'yon uie...okay lang naman sa'kin...baka naplilitan ka lang wawa naman..XD hehe

Roh said...

taas kamay talga? hehehe anyway salamat!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...