warning: walang saysay ang kwentong ito ....weeeh wala naman talaga lahat saysay mga kwento mo eh!
Isa sa mga pinaka'ayaw ko'ng gawin (kahit di ka nagtatanong) pag weekdays ay ang mag-mall, kasi naman kasi imbes gusto kong bumili ng kung anu-ano may komokontra!...T_T tsk tsk tsk...
pero dahil sked namin ni mama ngayon magpa diamond peel (di sa nagyayabang pero pwede na rin hehe) weeh...'mayabang ka naman talaga'... so ganun nga't wala akong choice...'weeh gusto naman talaga'
So ayon na nga't nagpunta na kaming mall (kung saan nilalakad lang from our house pero sumasakay pa rin dahil mainit)...at pagdating nga doon kung saan-saan na lang umiikot ang aking mga matang nalulula sa dami ng mga beauty products...ako ang inuna- first time ko 'to kaya't medyo takot - kasi alam ko'ng piniprick nila 'yong mga pimple at tapos may parang blower na mainit, nasabi na'to ni mama (madalas kasi siya nagpapaganito), tahimik lang ako, 'oo' ng 'oo' lang sa mga tanong ng ale ... wehehee ito na naman di sa nagyayabang pero ang dami lang niyang mga magagandang comments sa mukha ko...hehe "wow ang linis ah! ano ginagamit mo?" sabi niya, siyempre flattered na naman ako (at hindi nakasagot dahil sa sobrang dami ko ng ginagamit)... hindi kasi ako ma pimple di rin oily, naturally pangit lang talaga! haha!... nang natapos na ako--turn na man ni mama...
So ayon nag libot muna ako kung saan-saan, what caught me eyes were those colorful nail polishes na sobrang ganda...may glitters pa! and nung kinuha ko 'yong kulay silver na may glitters bigla na lang may nag 'teka, sure ka bang kelangan mo 'yan?weeeh di nga' kilala ko 'to siya si alter ego siya rin 'yong sabat ng sabat kanina pa, bigla na lang siyang nag eexist pag sa mga ganitong bagay lalo na pag nakakatawa! pero sa tuwing kelangan ko talaga siya tulad na lang pag na shoshort ako sa budget - bigla na lang siyang nawawala! (ah wait lang hindi po ako baliw, hindi rin pyscho, at higit sa lahat hindi po ako pervert!)...pero tama siya 'i know, right.' che!- kelangan ko nga ba talaga 'to? nihindi nga ako marunong mag manicure at pedicure sa sarili ko eh 'hah! buti alam mo! pero ang ganda lang ng mga nail polishes na 'yon. Lumipat ako sa ibang section kung saan mga pang hair treatment naman at wow! mura lang-kahit signatured! kinuha ko 'yong isa pero--- 'ayan na naman impulsive maxado! alam mo bang gamitin 'yan?' ayan na naman siya! pero tama pa rin siya hindi talaga ako bumibili pag self-made, home-made, at kung anu-ano pang ikaw pa ang mag mimix mag preprepare at lahat lahat na- takot kasi ako baka sobra o kulang baka mapalpak at masunog pa mukha, balat o buhok ko! chaka! so ayon binitawan ko na naman...
Doon na naman ako sa mga body recipe products...pero iyon pa rin kino kinokontra pa rin niya mga kinukuha ko with rationale pa!- pati nakasalubog ko'ng tao di nya pinatawad (hoy! di 'yon ako ha! si alter ego 'yon) - lalo na 'yong tangkad lalaki na kulay red ang buhok pag nakatalikod parag mowdel pero pag-harap sa'kin (tingin sa iba) at haha! 'wag na lang (doon na lang ako...hehe)...kaya nga dati eh! hindi ko na kelangan ng ina para gumabay sa'kin pag na shoshopping o bumili ng mga kung anu-ano, dahil andyan na si alter ego! na feeling bright! 'haha! tooooomooooh.....'
Natapos na rin si mama at mag e-snack na kami! weeeee....hehe (favorite portion ko!) pero noong tinanung na ako ni mama kung anu gusto ko - para naman siyang sinaniban ng alter ego ko "ay 'wag lang 'yan di 'yan nakakabusog" sabi niya first. "ai 'yon na lang ma oh!" "wag rin 'yan kakain rin naman tayo sa bahay pag uwi" "'yon na lang ma oh! ma oh!" "ai ito na lang oh" 'duh...whatever sa inyo!'
Chaka! kung di ko lang talaga first time magpapaganito (diamond peel) di na lang talaga ako sasama alam ko uuwi rin 'to sa wala! (maliban na lang kung may manlilibre kaya gusto ko palagi kasama si mama pag lumalabas hehe...XD
wait lang baka isipin niyong wala talaga akong nabili kanina...meron no! hehe nawala kasi bigla si alter ego noong nakita ko 'tong silver necklace na 'to with an initial...with no doubts at walang hinga hinga binili ko bigla! haha! kaya ngayon I regret it SO MUCH! tama si alter ego! (at sana 'yong fashionable ring na lang!) alter ego asan ka kasi?! ay wala na nga...XD baka sumanib talaga kay mama..spooky!
pili ka ng topic
2010
2010 movies
2011
about me
alter ego
award
baliwan
banana plantation of panabo city
bata
bff
body dysmorphic disorder
boredom
charice
diverse city concert
early christian life in rome
estrogen
expereince
fave characters at all times
FPM
friendster blog
goth
head trip
how to manage your money
illuminati
kaligayahan
kalungkutan
komiks
komiks rants
kumadrona
kwentong barbero
lola
mall
medical issues
medical terms
movies
mysteries
naghihingalong OFW to be
nerbyos
nonsense
nostalgia
pagbabago
panabo city
panabo the banana republic
pangit
paranoia
pasko
pills
poet-poetan
posttraumatic stress
pyramid
reset
rural area
security guard
self review
stylish blogger award
sweeny todd
TABA 2010
tim burton movies
transhumanism
tribyut kay papa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
naalala ko ung palabas na lord of the rings sayo, ano nga ba ung name nun, gollum yata, oo nga sya nga, ung my split personality.. myyyyy preeeeccciiioouuuusssssssss.. hahaha
wag mo na kokontrahin si konsensya mo ha.. lagi gumamit ng safeguard hehehe..
uie parekoy! na tuwa naman ako't kahit wala 'tong maidudulot na saysay sa buhay mo eh binsasa mo pa rin hehe...echus! haha uu nga eh, at this point naisip ko'ng baka may multiple personality disorder lang ako...hehe =)
hehehe. wala mang naidulot eh pinatawa mo naman ang araw namin eh. sige lang sulat lang. hehe. buti di sinabi ni alter ego na xa naman mag pa diamond peal! ahahha. sosyal! diamond peal!
pareho tayo, pg may na isipn akong bilin, pinaplano ko, pero pag andyan na, biglang my eepal, parang tinatanong ka na kailangan mo ba talaga yan..ayun na uuwi sa wala.
nga pala add kita sa list ko :)
~hahahaha..natuwa ako sa alter ego mo...wehehehe....
at tsaka 'yung tungkol sa babae sa'yo..talagang kailangan nilang gawin 'yun for charisma..hahaha..jowk lang ateh..hehehehe..
ang hip ng alter ego mo. mahadera lang at strong willed. pero teh, wag patalo. tandaan mo, ang bulong sa ulo hindi yan binabaliwala. joke lang po. :)
@lhan: haha! buti naman at napatawa ko araw mo hehe...uu nga eh! buti di siya nag demand mag pa diamond peel---haha! di naman niya siguro kasi kelangan haha!
@adang: haha! pareho pala tayo, apir!
@poppe bowow: haha! pansin mo ba ako'ng tahimik minsan? kausap ko sa mga oras na 'yon si alter ego..haha! ha?
@nyabachoi: haha! uu nga eh! sarap sapakin ni alter ego! haha
nyahahaha... ako naman hindi alter ego ang kasama ko pag nag-shoshopping... kundi kakuripotan... ewan.. kuripot ako pag pera ko gagamitin ko.. hahahahahah nasanay..
gusto ko kase pag pauwi ako may matitira pa sa budget ko..
hahahahaha...
alter-ego...
haha! hi kamila! siguro kung hindi nag e-exist si alter ego sa buhay ko, for sure----mahuhulog lang na kuripot din ako! haha...
boto ka naman po d2 http://notbuknilhan.blogspot.com/2011/01/taba-finalists-boto-na.html salamat!
Post a Comment