Pages

Tuesday, December 14, 2010

Isang malungkot na katutuhanan na ayaw ko sanang pag-usapan...

grabeeeh ka-title XD


(orginal title)

Isang malungkot na katutuhanan ngayong pasko at sa darating na pasko...



Ilang araw na lang pasko na pala
Pero bakit di ko feel?
Bakit di ko naaamoy ang mahalimuyak na simoy ng pasko?
Dahil ba walang snow?
O dahil talagang polluted lang ang lugar na 'to?

Habang sumusulyap ako sa mga nakasabit sa bintana,
bakit di na ako nahahalina't natutuwa?
Habang ang iba nagbabalot na ng mga regalo,
bakit di na lumulukso ang aking puso sa tuwa?

Habang masasaya ang mga mata na nakaguhit sa mukha ng mga bata,
pero bakit ako naluluha?
Dahil ba wala nga akong kayakap ngayong pasko?
Pero di pa naman Valentines day ah!

First time ko 'to - pero ito na ang naiisip ko dati pa,
alam ko'ng darating to sa buhay ko...
Alam ko'ng mag-iisa ako ngayong pasko...

Pero ito ba talaga ang dahilan ng kalungkutan ko?
O dahil alam ko na wala akong matatanggap na regalo?
Dahil dito sa lugar kung nasaan ako - di 'yan uso...

At sa tuwing ini-isip ko pa lang naiiyak na ako...
May makaka-alala pa kaya sa'kin ngayong pasko?
Ito na ba talaga ang tadhana ko?

Naalala ko tuloy noong bata pa ako - 
pasko lang talaga ang pinaka-aasam ko'ng araw sa boung mundo...
Dahil dati sa araw na 'to - alam ko'ng marami akong matatanggap na regalo,
alam ko'ng makakasama ko ang boung pamilya ko...

Pero ngayon, hindi ko alam kung magiging masaya pa rin ako
sa boung buhay ko at sa darating pang mga pasko...
Ang pasko, ordinaryong araw na lang ba 'to?

Kaya pala madalas nilang sabihin na 'ang pasko ay para lang sa mga bata'
at kung dati naging pilosopo ako at sinabing
'bakit para sa mga bata lang? sila ba ang nag bibirthday?
Ngayon maliwanag na't naiintindihan ko...

Ngunit sa'n nga ba ako ngayong pasko?
Nasa isang pribadong clinic nagtatrabaho...
Ngayon pa lang naiisip ko na - kapag nasa abroad o expat na ako,
ito rin kaya ang mararamdaman ko?

Ito rin ba kaya ang nararamdaman ng mahal nating mga OFW na hindi makakauwi
sa araw ng pasko?
Na hindi makakasama ng pamilya'ng naghihintay sa bahay at inaasam-asam ang pag uwi mo?

Pero ito na nga ba ang kapalaran ko?
O may panahon pa akong baguhin ito?
O dapat bang mas pipiliin ko na lang mag-isa at dapat masanay na rin ako?
Naguguluhan ako...

Kahit may nabasa akong libro tungkol sa pasko - 
na kahit nag-iisa ka pero 'pag nasa puso mo si Jesus
magkakaroon ka talaga ne Merry Christmas 

Pero sa tingin ko iba pa rin ang pakiramdam mo 'pag kasama
mo ang pamilya mo sa Nochebuena
o kahit mag movie marathon lang kayo...
Iba pa rin 'yong may babati sa 'yo ng totoo
at di sa text lang...

Siguro kung tatanungin mo ako kung ano ang wish ko ngayong pasko - 
alam mo na siguro - 
makakasama ko lang pamilya at mga kaibigan ko
masaya na ako...
kahit na wala akong bagong gamit tulad ng mga kapatid ko...T_T






T_T


Leelou Blogs

p.s. grabeeh 'do ko akalaing maiiyak ako habang sinusulat 'to...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...