Pages

Sunday, December 12, 2010

about me

Bata pa lng ako pangarap ko na talagang maging artista! este! maging manunulat----kaya kahit ano sinusulat ko kahit saan-----sa papel, sa notebook, sa eskritoryo, sa mesa, sa pader, at sa likod ng kaklase ko...hehe saya! Pero ewan ko ba ba't sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat, siguro dahil napagtanto ko'ng wala palang kwenta mga sinusulat ko...XD iyong tipong 'pag nabasa mo eh wala lang---in short nonsense *hikbi*
Pero noong nag high school na ako hindi kontento ang araw ko kung hindi ko man lang maisulat ang extreme experience ko...Nakapagtataka nga eh! bakit parang hindi yata ako nakabuo ng diary---nga pala! kahit saan ko nga lang pala isinusulat 'yon hehe...

Grabeeh...sa tindi ng imahenasyon ko nagbalak pa akong bumuo ng libro 'yong pang "the series" ba lalo na't usong-uso noon ang Harry Potter...kaso nga lang dehins ko matapos-tapos dahil sa kakulangan ng time at salita - so 'yon period. nag quit na talaga ako! XD Pero dahil sa mga 'di inaasahang bagay na nangyari sa buhay ko... di ko talaga napigilan mag sulat- at sa panahong ito siyemperds! may certain notebook na ako! yey me! Salamat na rin sa College years ko...Napilitan akong sumali sa isang 'essay writing' tungkol sa druga *morbid* sinabi pang ako na "lang" daw dahil wala na silang mapulot na iba - chaka! sakit nun ha "lang"...parang underestimated statement...pero salamat na rin dahil doon nag balik-loob ako sa pagiging manunulat na ang totoo e ako lang talaga ang nakakaalam at nakakaintindi *hikbi* lalo na't nanalo ako bilang 3rd placer, hehe...saya ko nun! kahit 3rd place lang o sabihin na nating last place, eh! me P100 naman...hehe...

Simula noon ang dami na ring nag alok sa'kin na sumali sa mga paper works ng school char! big time! --- na pinalagpas ko lang...hehe nakalimotan ko hindi ko pala kaya 'yang mga impromptu na 'yan nakaka tuyo ng utak at nakaka wrinkles pa! 'yaw ko nun! hehe...pero okay lang...naka buo naman ako ng private journal ko na pinangalanan ko pang "burn book", asteeg! "burn book" in the sense na pagkatapos kung isulat - e - ang sarap sunogin O.A. kasi..hehe loko lang! pero O.A. talaga eh...(wait lang - asan na kaya 'yon???) naku! baka sinunog na talaga ng mahal ko'ng ina!? nakakalat lang kasi 'yon kung saan-saan-----at ewan ko ba kung bakit na ha-high blood si mama sa mga kalat?! at teka lang-----balik nga lang tayo sa'kin umh...so 'yon! ito na't nag balik ako although iba natapos ko'ng kurso pero ayos lang may time pa rin ako mag blog..! at Bwahahaha ito na 'to dito na magsisimula ang kaguluhan ng utak ko este! ang kwento ng buhay ko, buhay mo at buhay ng ibang tao---wehehe...:p wala ng makakapigil sa'kin at sa ka engotan ko lul...

T_T


Leelou Blogs

2 comments:

Kamila said...

tara xlink... :) sa kamilkshake.blogspot.com :) ganda ng blog mo..

wall flower..favorite ko yan

riZa jAne said...

uie salamat buti napadaan ka...na flatter tuloy ako...hehe

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...