Babala: morbid to, bawal ang pangit (baka ma hurt...*hikbi*) hehe joke lang!
Natural lang talaga sa'tin ang maging self-conscious minsan lalo na't nag-hahanap tayo ng syota hehe o sadyang nagpapasikat lang talaga...
Pero kung 'yong tipong nababadtrip ka na lang palagi sa t'wing makikita mo ang 'yong sarili sa salamin, o kaya'y sa t'wing tinitignan mo ang 'yong balat sabay sabing "sana kutis-artista rin ako..." or worse halos hindi ka na lumalabas ng kwarto mo dahil iniisip mong maiirita lang ang ibang tao sa mukha mo...'yong tanging mababanggit mo na lang ay "WHY ME LORD? WHY ME?!!!" sa t'wing maalala mo ang korti ng 'yong mukha...Naku! baka BBD na 'yan! tindi!
Oops..! Teka! bago mo ako tatanungin kung ano 'yan...ikaw muna tatanungin ko.! mmph! kala mo ha...wais yata toh! XD
so ito na:
May BDD ka ba? sagutin ang mga sumusunod (in english)
- do you always compare the way you look with others?
- do you frequently check the appearance of a part of your body in the mirror?
- do you avoid mirrors altogether?
- do you think about your physical appearance for more than one hour a day?
- do you continuously feel low self esteem?
- do you often refuse to have your pictures taken?
- do you wear excessive clothes or make-up to hide a flaw in your body?
- do you change your posture or body movements to minimize attention to a body part perceived to be flawed?
- do you frequently touch, rub or nitpick on the perceived physical flaw?
- do you perform elaborate grooming rituals?
- do you avoid socializing with others for fear that the flaw will be noticed?
- do you spend a lot of time convincing others that a part of your body is abnormal or ugly?
*kung tatlo o mahigit ang sagot mo'ng "Yes"
marahil BDD na 'yan! mag dasal ka na! joke lang! hehe pero totoo marahil BDD na talaga 'yan...T_T
(Babala: ito na talaga to, at kung sa tingin mo meron ka nito - no offense...ang lahat nang ito ay pawang totoo at hindi kathang isip lamang...)
Oo ngaps--- ang BDD o Body Dysmorphic Disorder ay isang obvious namang disorder - sa utak! - in other words mental disorder that involved a distorted or unrealistic body image (naks english ah!)
Madalas na da-diagnosed nito ay 'yong mga taong lubhang kritikal o sobrang hindi nasisiyahan sa kanilang imahe o anyo! kahit ang sinabing "disfigurement" o kapangitan ng kanilang anyo ay totoo or imahinasyon lang, in short --- sadyang praning lang! Karamihan sa kanila ay physically obsessed sa mga pinaniniwalaang parti ng kanilang katawan na pangit o 'di perfect! - pati rin sa kanilang balat, at facial features gaya ng mga mata, lips, ilong...facial o body hairs, breasts & oops! - *morbid na.!
Ang masaklap pa dito ay isa rin pala ito sa mga dahilan ng pag su-suicide ng ibang mga kabataan kahit na matatanda... habang ang iba naman ay tumitigil sa trabaho, sa pag-aaral, at pag-hinga...totoo promise!
Nakakalungkot ring isipin na ito rin ang dahilan ng pagiging nega ng iba dyan! (peace ^_^) at ang pinakamatindi sa lahat ayaw na ayaw nilang magpatingin sa doktor sa kadahilanang natatakot o nahihiya silang pagtawanan...owversss...
Sila ring 'yong mga hardcore na mga pasyente na tipong exage talaga kung magpabunot nga lang ng ngipin eh talagang ipapabunot pa lahat - dahil sa kadahilanang "bad breath" daw siya, oo totoo sabi ni umh...itago na lang natin sa pangalang Dr. Tomas Bautista, isang consultant psychiatrist at clinical associate professor - naka encounter na rin pala siya ng mas hardcore to the max na patient na nag undergo ng isang extreme procedure na tinatawag na "sweat gland ablation" as in! nag paputol siya ng sweat gland na 'yan para daw matigil na ang puno't dulo ng pagkakaroon ng mabahong kili-kili.! owversss...
Sa ngayon, anti-depressants at cognitive-behavioral therapy lang muna ang isinusulong ng mga specialista para makasurvive ang mga taong meron nito! tsk! tsk! la pang budget ang gobyerno eh! joke! at iyong iba naaagapan pa, 'iyong iba naman 'di na talaga...T_T harshness!
Teka lang kelan kaya ulit ako makakapag rebond? --- ang pangit2x na ng buhok ko! i hate myself! leave me aLone!!!
Teka lang kelan kaya ulit ako makakapag rebond? --- ang pangit2x na ng buhok ko! i hate myself! leave me aLone!!!
T_T
No comments:
Post a Comment