Pages

Thursday, February 17, 2011

Wala akong ginagawang masama, gusto ko lang maging bata!


Ulan na naman, malamig, tinatamad akong mag-isip, gusto ko lang matulog.

Nakakawala ng inspirasyon.

at kung napapansin nyo (as if nag susubscribe talaga) unti-unting naging walang sense ang mga isinusulat ko dito. At kung bakit pa kasi "ABA NAG SUSULAT NA PALA AKO?! HOW COME?" pa ang naging title ng blog kong 'to eh! akala ko kasi ganun na kalakas loob ko na ipamahagi na lang basta basta mga nararamdaman ko eh! (oh dibuh? no brain envolved pa rin, sabi ko na nga ba eh di na ako nag-iisip)...

 kakabasa ko lang ng blog post ni (kuya) lhan, inestate nya dun kung pa'no siya nagsimula mag blog...dahil idol ko siya gagayahin ko na rin sya sasabihin ko kung bakit rin ako nagboblog.

Una, may ginawa akong english blog---> I EXPOSED (pwede rin e follow kung interesado ka) suyang-suya kasi ako sa kay batman eh! blog ng blog kahit wala namang kwenta pinopost nya...wahahaha, so i decided to make one. at gusto ko sana 'yong mga parang nakakatakot pero totoo, pero di ako nananakot since totoo nga talaga. Na inspire kasi ako sa The Book of Revelation-->> full of prophecies, symbolism, futuristic...at doon nabuo ang I exposed!

Kaso nga lang puro mga englisero mga nag-fofollow sa'kin wehee..nakaka epistaxis (at di ko alam kung papaano ko sila reresbakan!) ....nag selos na naman ako kay batman! eh kasi naman kasi andaming nagcocomment sa kanya mga twenti plus lang naman o mahigit sa isa na namang wala nyang kwentang post!

At doon ko ginawa ang blog na'to kung saan gagamitin ko lang sanang parang teaser to promote may other blog! o dibuh?! very clever---> isa na namang di pinag-isipang skeme! lool

pero di nagtagal nalaman ko na kung anu ba talaga purpose ko sa blog na'to----panlabas hangin lang sa animoy parang air supply na ulo ko! haha di pala---gusto ko lang maging bata (oh ayan sinabi ko na rin sa wakas before i totally bore you) wala lang gusto ko lang mag-yabang, magpatawa, mang-inis, mang-spoil, mag-basa ng blog ng iba, at kung anu-ano pa...so if you're having second thoughts now, you may unfollow me now...weheheeee XD

and to prove (how childish i am)! ito: observe-----ginugol at sinasayang ko oras ko kakapanood ng mga pelikula...at may collection pa talaga ako sa mga "fave characters ko at all time" kuno (di lang sa pelikula, may pang online games pa)... sinave ko 'to sa fb ko (tinagged ang iba-pero wala masyadong interesado) at since mawawala na "daw" ang fb ililipat ko na naman dito wehee,...

So let's start with my fave cartoon characters at all time:
siyempre first on the list ay ang daddy ko---> si Homer Simpson! lol gustong gusto ko talagang cartoon series na'to gaya ng magulong kwento nito kung saan ang layo-layo ng ending sa simula ng every episode...so far ito 'yong may mga nakakabitin na mga episode, pero nakakatawa naman---Rated PG nga lang..hehe
Homer Simpson
from "the simpsons"

Name: Homer Jay Simpson
Location: 742 Evergreen Terrace, Springfied, USA
Occupation: Safety Inspector of a Nuclear Power Plant
Civil Status: Married
Relatives
Father:Abraham
Mother: Mona
Wife: Marge
Children: Bart, Lisa, Maggie
Nature/Personality: crude, overweight, incompetent, clumsy, lazy and ignorant; & devoted to his family and to his stomach (lol), "creatively brilliant in his stupidity", & Happy-Go-Lucky
Catchphrase: D'oh!
Favorite
Book: "So, You've Decided To Steal Cable,"
Hung-time: drinking beer at Moe's Tavern, Greasy Joe's Bar-B-Q Pit, The Gulp 'n' Blow, & the frying Dutchman
Hungover: enjoys flashbacks which shows him fat and a full head of hair for being frustrated of being fat and bald

Next ay si Enma Ai, first time ko pa lang napanood 'to--namangha agad ako at pangarap kung maging siya! haha at kung sasali man ako sa mga cosplay isang araw-siya talaga gagayahin ko! ito nga pala 'yong fave asian cartoon ko next to Deathnote!
from: jigoku shoujo (girl from hell)

name: Enma Ai
eyes: ruby-red
hair: black
skin: pale-white

abilities: creating complex illusions, teleporting people and in some rare cases fire large bolts of dark energy. Her most powerful ability is to send people to hell, however she only ever uses this when she has a confirmed request from someone.

footnote: Also known as the Hell Girl, Ai is the preternaturally expressionless young girl who comes to deliver vengeance on behalf of those who submit their grievances to HellCorrespondence.com.

Third is Billy of The Grim adventure of Billy and Mandy--oo tama! sa cartoon network! fave channel ko dati ang cartoon network!
From: The Grim adventure of Billy & Mandy

Name: Billy William
Residence: Endsville
Affiliations: Mandy (Friend, Neighbour), Grim (Best Friend Forever)

Family:
Gladys (Mother)
Harold (Father)
Aunt Sis (Aunt)
Nergal (Uncle)
Nergal Jr. (Cousin)
Jeff the Spider ("Son")
De Uglio (brother)


Species: Human, God, Werewolf

Occupation: Student at Endsville Elementary

Appearance:
Billy has a huge nose,that he picks a lot, and usually is seen wearing a small red cap which hides a small tuft of orange red hair. He wears a striped blue and white t-shirt, and a pair of blue jeans.


Personality:
Billy is an idiot whose I.Q is -5 (The same i.q test taken by a shovel and two candy bracelets, they scored +17) which is a level well below even the greatest degree of mental retardation and even animals. It is thought that he get's this trait of stupidity as well as his looks from his father Harold, while he has likewise inherited his mother Gladys' craziness and aggression.


Greatest Fears:
Spiders (Arachnophobic), Clowns (Coulrophobia), & Mailman (unknown phobia)


Powers/Abilities:
Thor's Hammer, Super Strength, Flight, and yogurt, launched from armpits


Footnote:
Billy is addicted to chocolate. Able to eat 10'000 box's of chocolate all by himself, then when he turned into chocolate he proceeded to eat himself until all that was left was his head. This could be a result of the magic chocolate but even the Chocolate Sailor who created them couldnt believe Billy ate that much.
He may also have a similiar addiction to pie.
Billy is a fan of the 'Dinobonoid' franchise.
Billy is part human, part God, and Part werewolf.
He is part God because he accidentally climbed into Asgard where he replaced Thor's brother. He eventually took over Asgard with Thor's Hammer.
He is part werewolf because he was bitten by a werewolf from the moon. So technically Billy is a very powerful being.
There has been evidence that Billy loves Mandy, for example he kisses her in 'Ecto Cooler' and he has asked and almost has married her 3 times. In 'The Really Odd Couple' he suggests that they "get married". In 'Keeper Of The Reaper' the judge mistakes it for a wedding and Billy immediately says "I DO!!" Lastly he asks Mandy to marry him in 'Spider-Mandy'.

At siyempre kung may Billy---> andyan rin si Mandy
From: The Grim adventure of Billy & Mandy

Name: Mandy
Aliases: None
Residence: Endsville
Affiliations: Billy (Friend, Neighbour), Grim (Best Friend Forever)

Family:
Claire (Mother)
Phillip (Father)

Species: Human

Occupation:
Student At Endsville Elementary President of United States (In Underfist)

Physical:
-Pink Dress (Skirt) with a centered flower (yellow petals and blue stamen/pistol (Center of the flower))
-Black dress shoes (can be compared to tap-dancing shoes)
-White socks (unknown length)
-Pale Skin (Almost white when compared to other humans, and on par with Velma Green's)
-Black headband (no design)
-Blonde hair styled in what are classified as devil horns, but can be confused for a crescent moon shape (AKA, a 'C' or backwards 'C')
-No nose (though nostrils are present when sniffing and in close-ups)
-Basic Large eyes with no real color defined. (Though Dark Brown, Green, and Blue are viable suggestions)
-Muscularly superior to all she comes in contact with (everyone)

Psychological Description:
-Publicly calm and quiet
-Mentally unstable (anger, questionable schizophrenia; among other illnesses)
-Paranoid (not to Mandy's carign or attention in most situations)
-Completely irrational fearfulness (Ice Skaters)
-Anger driven and Manipulated by Negative Emotions
Controlling; Demanding
-Persevering (strives to do as she commands to the very end, albeit, such intentions are usually quite harmful to others)
-Overall Intelligent for her age, or in general (understands complex functions of adult life such as finances and governmental manipulation of holidays)(She often antagonise Edwin until he destories thier world)


Powers/Abilities:
Her smile has the ability to warp reality (but since she almost never smiles, no one can be sure if it happens every time, or was just a one off occurrence), Superior Physical Strength and Fighting Skill to just about everyone (including all monsters, who should be far stronger than even the best of the best humans), the ability to control the minds of every character in the series (except Grim).



so ayan, 'yan---yan ang mga fave cartoon character ko at all times! (adding more soon) well, depende kung may iba pa akong magugustuhan sa ngayon lang muna...^_^
.....
Hay...alam ko nakakapagod basahin mga post ko ang hahaba eh! as if naman may makukuhang leksyon o kapakipakinabang man lang..lool so susunod na lang muna 'yong iba---nakaka stress eh! hehe bawal ang spoiler! ako lang! wahahahaha

mag-pepet soc. muna sa fb---paalam...XD

Monday, February 14, 2011

Si Sweeny Todd: ang demonyong barbero

umh...(knock ... knock...) wala na bang "love" on the air? is it safe to step out? ayan safe na.*sighs...
hehe bitter!

...
ginoogle na pic
So, sino ba naman ang di mamamangha sa mga unsolved/unexplained mysteries sa mundo diba?...Lalong-lano na sa seven wonders of the world...haha anung konek? in some point may konek naman..wala lang trip ko lang...

May nadiscover kasi akong fact na akala ko fictional lang na bentang benta na sa screen at theatre at naging musical pa...Pero sa katunayan may totoo pa lang Sweeny Todd (at kung alam mo na ang paikot-ikot niyang istorya you can ignore this one--at kunyari wala kang nabasa---imagination mo lang 'to ^_^)...


OO, si Sweeny Todd, alam kong kilala nyo sya, nabasa o napanood sa mga play o sa movie. Kaso nga lang sa kwentong pelikula version nito medyo may kunting kaibahan nga lang, aside sa pagiging musical nito---si Benjamin Barker a.k.a. Sweeny Todd sa mga pelikula ay kilala bilang isang Barberong may isang anak at magandang asawa na gusto naman ng isang nagngangalang Judge Turpin at inagaw sa kanya at inakusahan pa siya at ikinulong at at at...at ayon after 15 years na pagkakulong he came out to seek for revenge at pinapatay niya ang nagiging kustomer niya na ginagawa namang meat pies ni Mrs. Lovett, oo as in 'yong mga lamang tao ang pinuputahe niya at benebenta!

Sa, totoong kwento naman - ewan ko lang kung naging musical din pero noong 18th century somewhere in London, sa panahong kung saan usong-uso ang kahirapan---ay namuhay si Sweeny Todd, isang barberong gumagamit din ng trapdor at razor blade upang patayin ang kanyang mga biktima (gaya sa movie).

Lumaki si Todd na may pananabik sa pera (lust of money ika nga) at lifestyle na ayon sa mga upper classes---in short isa siyang social-climber! haha! ewan. Pero 'yan ang sinasabi ng aking di nag-iisip na isipan. ^-^ say it with me---"Social Climber..."

Ang hirap mamuhay sa mga panahong 'yon, sabay sa kahirapang tinamo niya sa kanyang mga lasengerong mga magulang, nagtatrabaho na siya sa taong 6-8 kasama ng kanyang mga magulang. (loool parang tribyut lang...)

Bata pa lang daw siya, sobrang exposed na rin sa mga violenting nangyayari sa lugar nila, ginugol niya ang kanyang mga libreng oras sa isang tower sa London kung saan lulang-lula siya sa mga instrumentong ginagamit pangtorture na naka display sa tower na 'yon, lalong-lalo na sa mga very dark and evil na kwento ng mga taong nagtatrabaho doon. Natanim sa isipan niyang ang mga bagay na 'yon DARK, DIE, EVIL, DIE, KILL!!!

Ika nga his taste of violence increased noong may naganap na riot sa pinagtatrabahuan niya. nasa 12 o 13 pa lang siya noong iniwan siya mag-isa ng mga lasengero na magulang niya...isang gabing taglamig at sabi pa sa kanya maghahanaplang daw ng maiinom na GIN! pero di na bumalik at ayon nga't iniwan siya...Oh SWeeny Todd why? why? why?

Napunta si Sweeny sa isang shop owner kung saan nag bebenta ng mga bakal, gunpowder, masket balls, at higit sa lahat razor blade...---na for sure tumi-twinkle-twinkle pa sa mga mata ni Sweeny! at doon siya naninilbihan.

Sa kasamaang palad, tulad nalang sa mga teleserye ang mga katulong o alalay noon ay minamaltrato at ina-accusehan ang mga katulong nila ng kung anu-ano. at ayon nga't na akusahan rin siya na isang pickpocket kung saan ang mga penalty dati ay parang "Hangaroo" oo basta 'yong parang ganun... Pero dahil 14 lang siya noon naawa ang judge sa kanya at binigyan ng chance. Pero wala rin ikinulong rin siya for 5 years.

Sa pagkakulong niya, doon namulaklak ang pagiging masama niya, at doon din siya natutong mag shave at gumupit. Ika nga  when he was realeased, an angry, bitter, vengeful, and murderous man was unleashed. 

at yon na nga...nag ipon siya at nagpatayo ng sarili niyang barber shop, gumawa at domesenyo ng sariling barber chair kung saan daw sikat na ngayon-----na biglang mahuhulog ang kustomer na umuupo sa isang madilim na parang bangin na ginawa hundred of years ng nakalipas.

Hanggang na kilala niya si Mrs. Lovett na kagaya niya isang maka-lust of money rin at sosyalera! and they lived happily ever after!!! haha joke! nag-usap pa pala ang dalawa nag plano at ayon!----conspiracy! Si Todd ang tagapatay si Lovett naman ang tagaluto ng meat pies at benebenta na sumikat daw dahil ibang klase ang lasa ng karne na wala silang kaalam-alam na nagiging cannibal na pala sila dahil 'yon ay karne ng mga tao....^_^ hehe wow....ang dark!

Siyempre, naman at may nakatuklas ng kahindik-hindik na mga pangyayari, may nag suspetsya kasi sa mabahong amoy na somewhere in Todd's shop...and ayon na huli naman...pero siyempre hindi basta-basta ganun na lang ang pagkahuli---medyo parang madrama rin tulad ng sa pelikula...at nung nalaman ng sambayanan ang dark secret na'yon di ko ma imagine ang mga reaksyon ng mga taong kumakain ng meat pies na gawa ni Lovett na ini-import pa pala sa ibang lugar...yuck much!


-----------------------------------------------------the end-------------------------------------


haha sorry napagod kasi...kaya di na ene'step by step ang ending...hehe

hehe meat pies anyone?

Thursday, February 3, 2011

ika-4 ng Pebrero. totoo. promise.

February 4- eksaktong araw ng pangyayari may 4 taon o higit ng nakalipas. Eksaktong sampung araw bago ang valentines day.
I could still remember the look on his face, ang namimilog niyang mga mata at parang namumula---habang diretsyong nakatingin  sa'kin.

Habang 'Sh*T 'wag ngayon! kung iiyak ka 'wag sa harap ko!' naman ang sinisigaw ng aking isipan. Isang awkward na pangyayaring kahit kailan hindi ko magawang kalimutan.

Hapon na ng mga oras na 'yon, 4:30 to be exact---ang oras na pinagkasunduan naming oras ng pagkikita. araw araw.

High school pa kami nun (graduating), pero taga ibang school siya since nag transfer ako ng school galing sa school niya to ibang school. Hindi siya kilala ng mga naging kaibigan ko sa bago kong school. Hindi ko rin alam ba't sinasabi kong "wala" sa tuwing nagtatanong naman sila kung may bf na ba talaga ako. Hindi ko rin alam on the other side kung ganun din ba siya----na itago na lang natin sa pangalang J*ck. (since 'yan naman talaga totoo niyang pangalan)

Matagal-tagal rin kami nagkakilala bago naging "kami", gustong-gusto ko lang ang sense of humor niya---pero hanggang doon lang. talaga.

Hindi ko talaga alam kung anong klaseng virus ang dumapo sa utak niya kung bakit isang araw pagmulat ko'y nangliligaw na pala siya-----at first akala ko talaga joke lang niya 'yon, pero totoo na pala, 'lang hiya siya! 'kala ko ba 'lang ganyanan.

Alam na alam kong hindi ako ganun kaganda pero ba't ganun na lang kung magpumilit siya. Pero nung napansin ko na seryoso talaga siya---enexplain ko sa kanyang wala talaga-----wala akong nararamdaman sa kanya. "Why don't give it a chance." sabi pa niya ------sa text. Sh*t. Oo! malaking sa text lang talaga. Dahil ang totoo----in person hindi nya 'yan masasabi dahil puro hangin lang lumalabas sa kokote nya. Hindi ko alam kung ang babaw niya lang talaga o nagpaka insensitive lang.

So, ayon pumayag ako, at para patunayan na walang mapupuntahan ang relasyon na'to! naks!

Naalala ko pa, it was Jan 15 when we started that more than friends relationship. Exactly 20 days bago ang ika-4 ng Pebrero. 20 days of happiness, kalungkutan at pagbabago. Sa isang iglap lang------napansin kong may nagbago sa kanya w/in that 20 days lang. Naging seryoso na siya bigla like always-----which is hindi na nakakatawa. Ma-late ka lang ng kunti--kung anu-ano ng iniisip, hindi ka lang naka-reply o 'di nasagot ang tawag niya--nagtatampo na. If you'll ask him if his okay, he'll answer yes but you know he's not.! Nakakainis, nakakaasar, parang immature lang. T_T at napakahigpit pa niya. 'Wala na ba akong freedom nito?' 'yon ang napako sa isipan ko sa mga oras na 'yon. 'arrgh...!!! i hated it! I wanted to give him up at that very moment na talaga-----but no. Sa tingin ko hindi 'yon ganun kadali. Sabi ko na nga ba eh---it won't work.

Hanggang isang araw---napagod na siguro siya't gusto niya mag usap kami ng masinsinan. Ang dami agad nagtatakbo sa isip ko the night before. Parang may mangyayaring ka-awkwardan.

So, ayon, Feb. 4 exactly 4:30 p.m. gaya ng napag-usapan like forever and after-----we'd talked. at take note---sa overpass pa talaga, parang nag a-eyeball lang. Sh*t. awkward. Hindi ko gusto ang nakaguhit sa mukha niya. I never seen his face that serious like before. Awkward. 'Fine, ano 'to punk'd?' nasabi ng isipan ko-----o si alter ego---alam ko nag-exist sa kasi siya noon pa man.

Presko pa talaga sa aking isipan and i don't have any idea up tp now why i'm writing it here in my blog! Gosh! grabeeeee!

Unang lumabas sa bibig nya was "ano? may nararamdaman ka ba talaga sa'kin?" after sa "hi" niya with a smile. "Jak, I told you before." sagot ko naman (at yep! in english talaga)... natigilan siya't tumahimik bigla sabay tingin sa kawalan. Habang ako naman 'plis! i wanna go home...' lang ang nabanggit ng aking isipan. Ang awkward talaga sabayan mo pa ng mga estudyanteng dumadaan sa aming giliran. Ang awkward lang.

By chance, nakalingon ako ulit sa kanya't---wait---Sh*t---luha ba 'yong nakita kung tumulo sa mukha niya---oo naman 'YOU STUPE!' omaayghaaad... he was weeping---silently, he was weeping. and the second time he spoke was "sige na, break na tayo.'yan naman talaga gusto mo diba?"...":ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko....wait-----say what?! he's breaking up with me daw...but wait------it was I who's supposed to say those words 'I'm the girl here!!! heloww...'. but whatever. at least...he let go of me. I'm free. Funny how i asked "sure ka?" after he made his decision. Promise. hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin, gagawin o ramdamin man lang within those moments. Basta sa totoo lang parang isang malaking hampas sa mukha ko ang na-imagine ko pagkasabi nya nun. Parang nabingi ako bigla.

Namumula mga mata niya awkward talaga. The H*ck!
So much for the drama.

I ended that ka-awkwardan by just leaving him alone, walking slowly, umasang baka susunod siya't "Hoy Riza! joke lang 'yon! nu ka ba?!" dahil ganun siya ka loko-loko't ka-hangin. Sana nga isa lang 'yon sa mga masasakit niyang jokes-----pero hindi eh!... totoo talaga. 'He won't follow riz, face it. you're losing him.'  ...tama nga, hindi siya sumunod...in fact, when i turned back-----he was walking in the other direction.---w/o looking at me back. at sa mga oras na 'yon.... Isang malaking Shucks! am i losing him nga? ang sama ko ba? at kung anu-ano pang mga katanungang naglilipiran sa isip ko. Pero sa totoo lang talaga wala akong naramdamang sakit o kung ano pa mang dapat ko ring iyakan.

Hindi lang talaga ako inlab, wala talaga eh----wala akong feelings para sa kanya, in fact i'm with someone else sa school ko, pero hindi seryoso, parang kami na parang hindi. ewan (at 'yon siya ang gusto ko). I know that moment i just lost him, and most of all---our friendship. Naalala ko tuloy tuwing pagkatapos ng skwela---Jak and I go out together---find a quiet place to rest, kahit gagawa lang ng mga assignments, learning lessons together kahit di kami classmates, o mag sound trip lang---nakakaya naming e waste ang time together para lang mag sound trip. Pareho kami ng gusto sa maraming bagay. Hindi siya mayabang kahit ang galing niyang mag Dota. Alam na alam niyang hindi ako kumakain ng kwik-kwik at balot. at kung kumain ako nun kasama niya, he perfectly know i was just faking it.

But 3 or 4 days after the break-up....he called me and asked me if we could talk....i just said "no" ayoko na.

At doon natapos ang lahat. He was my third and last. single na ako like forever after him. kasi naman parang ayoko na...baka may mapaiyak naman ako, naks! loko lang!---pero ang totoo, baka kasi ako naman ang iiyak sa susunod.

balita ko goth/black metal na daw siya at long hair...at ewan ko kung bakit-----dahil ba alam na alam niyang in love ako masyado sa mga emo music---at ayaw na ayaw ko sa mga lalaking long-haired? XD kung ganun---nag rerebelde ba siya? 'wag naman sana.


.........................................................................................


wehehheehehhe pwede ba 'to isali sa contest ni kamila? lol
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...