Pages

Monday, February 14, 2011

Si Sweeny Todd: ang demonyong barbero

umh...(knock ... knock...) wala na bang "love" on the air? is it safe to step out? ayan safe na.*sighs...
hehe bitter!

...
ginoogle na pic
So, sino ba naman ang di mamamangha sa mga unsolved/unexplained mysteries sa mundo diba?...Lalong-lano na sa seven wonders of the world...haha anung konek? in some point may konek naman..wala lang trip ko lang...

May nadiscover kasi akong fact na akala ko fictional lang na bentang benta na sa screen at theatre at naging musical pa...Pero sa katunayan may totoo pa lang Sweeny Todd (at kung alam mo na ang paikot-ikot niyang istorya you can ignore this one--at kunyari wala kang nabasa---imagination mo lang 'to ^_^)...


OO, si Sweeny Todd, alam kong kilala nyo sya, nabasa o napanood sa mga play o sa movie. Kaso nga lang sa kwentong pelikula version nito medyo may kunting kaibahan nga lang, aside sa pagiging musical nito---si Benjamin Barker a.k.a. Sweeny Todd sa mga pelikula ay kilala bilang isang Barberong may isang anak at magandang asawa na gusto naman ng isang nagngangalang Judge Turpin at inagaw sa kanya at inakusahan pa siya at ikinulong at at at...at ayon after 15 years na pagkakulong he came out to seek for revenge at pinapatay niya ang nagiging kustomer niya na ginagawa namang meat pies ni Mrs. Lovett, oo as in 'yong mga lamang tao ang pinuputahe niya at benebenta!

Sa, totoong kwento naman - ewan ko lang kung naging musical din pero noong 18th century somewhere in London, sa panahong kung saan usong-uso ang kahirapan---ay namuhay si Sweeny Todd, isang barberong gumagamit din ng trapdor at razor blade upang patayin ang kanyang mga biktima (gaya sa movie).

Lumaki si Todd na may pananabik sa pera (lust of money ika nga) at lifestyle na ayon sa mga upper classes---in short isa siyang social-climber! haha! ewan. Pero 'yan ang sinasabi ng aking di nag-iisip na isipan. ^-^ say it with me---"Social Climber..."

Ang hirap mamuhay sa mga panahong 'yon, sabay sa kahirapang tinamo niya sa kanyang mga lasengerong mga magulang, nagtatrabaho na siya sa taong 6-8 kasama ng kanyang mga magulang. (loool parang tribyut lang...)

Bata pa lang daw siya, sobrang exposed na rin sa mga violenting nangyayari sa lugar nila, ginugol niya ang kanyang mga libreng oras sa isang tower sa London kung saan lulang-lula siya sa mga instrumentong ginagamit pangtorture na naka display sa tower na 'yon, lalong-lalo na sa mga very dark and evil na kwento ng mga taong nagtatrabaho doon. Natanim sa isipan niyang ang mga bagay na 'yon DARK, DIE, EVIL, DIE, KILL!!!

Ika nga his taste of violence increased noong may naganap na riot sa pinagtatrabahuan niya. nasa 12 o 13 pa lang siya noong iniwan siya mag-isa ng mga lasengero na magulang niya...isang gabing taglamig at sabi pa sa kanya maghahanaplang daw ng maiinom na GIN! pero di na bumalik at ayon nga't iniwan siya...Oh SWeeny Todd why? why? why?

Napunta si Sweeny sa isang shop owner kung saan nag bebenta ng mga bakal, gunpowder, masket balls, at higit sa lahat razor blade...---na for sure tumi-twinkle-twinkle pa sa mga mata ni Sweeny! at doon siya naninilbihan.

Sa kasamaang palad, tulad nalang sa mga teleserye ang mga katulong o alalay noon ay minamaltrato at ina-accusehan ang mga katulong nila ng kung anu-ano. at ayon nga't na akusahan rin siya na isang pickpocket kung saan ang mga penalty dati ay parang "Hangaroo" oo basta 'yong parang ganun... Pero dahil 14 lang siya noon naawa ang judge sa kanya at binigyan ng chance. Pero wala rin ikinulong rin siya for 5 years.

Sa pagkakulong niya, doon namulaklak ang pagiging masama niya, at doon din siya natutong mag shave at gumupit. Ika nga  when he was realeased, an angry, bitter, vengeful, and murderous man was unleashed. 

at yon na nga...nag ipon siya at nagpatayo ng sarili niyang barber shop, gumawa at domesenyo ng sariling barber chair kung saan daw sikat na ngayon-----na biglang mahuhulog ang kustomer na umuupo sa isang madilim na parang bangin na ginawa hundred of years ng nakalipas.

Hanggang na kilala niya si Mrs. Lovett na kagaya niya isang maka-lust of money rin at sosyalera! and they lived happily ever after!!! haha joke! nag-usap pa pala ang dalawa nag plano at ayon!----conspiracy! Si Todd ang tagapatay si Lovett naman ang tagaluto ng meat pies at benebenta na sumikat daw dahil ibang klase ang lasa ng karne na wala silang kaalam-alam na nagiging cannibal na pala sila dahil 'yon ay karne ng mga tao....^_^ hehe wow....ang dark!

Siyempre, naman at may nakatuklas ng kahindik-hindik na mga pangyayari, may nag suspetsya kasi sa mabahong amoy na somewhere in Todd's shop...and ayon na huli naman...pero siyempre hindi basta-basta ganun na lang ang pagkahuli---medyo parang madrama rin tulad ng sa pelikula...at nung nalaman ng sambayanan ang dark secret na'yon di ko ma imagine ang mga reaksyon ng mga taong kumakain ng meat pies na gawa ni Lovett na ini-import pa pala sa ibang lugar...yuck much!


-----------------------------------------------------the end-------------------------------------


haha sorry napagod kasi...kaya di na ene'step by step ang ending...hehe

hehe meat pies anyone?

12 comments:

TAMBAY said...

nag update din.. tagal mo nawala ah...

nice movie review.. pero di ko yata alam ang film na ito?

mas maganda siguro mapanood kaya lang eh spoiler ang post mo hahaha.. joke

magandang araw po.. :)

Kamila said...

waaaahhh kakaibang conspiracy yun ah... akala ko si Johnny Depp ulit toh... at naalala ko gusto ko pala hanapin yung mga reviews mo uli kay Johnny Depp!!! Wit wit!

Kamila said...

Ay si Johnny Depp pala talaagaaaa!!! WAAAAAAHHH!! hahahaha... meron na ako nung mga movies na nireview mo last time..panuorin ko na lang! Weeeeh :)

riZa d' hoLic said...

@ istambay: haha uie kamustah?! haha uu nga eh! parang nawala ako bigla sa mapa...lol hehe uist di 'to movie review oist totoong may sweeny todd talaga sa history ng LONDON as in promise...

@Kamila: haha! nabasa ko rin mga movie review mo sa english blog mo...pero hanip iba rin type mo...

p.s. oist 'di 'to basta2 movie review lang...TOTOO TALAGANG MAY SWEENY TODD SA HISTORY NG LONDON...PROMISE AS IN...AT GAYA SA MOVIE GANUN DIN STYLE NYA PUMATAY...KASO IBA LANG ANG STORY..PROMISEMANIWALA KA...PLS PLS..hehe

riZa d' hoLic said...

at sa lahat...pls may totoong sweeny todd talaga...hindi lang to basta movie review...XD

Kamila said...

Oh? Talaga? Grabe nakakakilabot naman at true person pala ito! Waaaah!

Salamat..nyahahah... ilalagay ko din review ko sa mga movie ni Johnny Depp na mapapanuod ko..nagdoddownnload na me :)

Lhuloy said...

nabitin talga ko sa ending!
panu kaya sla nhuli?! at saka
anung naging parusa skankla?
niluto din b sila? jejej

nu pu ung hangaroo?! nung knlick ko lumabas kangaroo ih?! jejejej

nakakataas ng dugo ang post mu...somthing creepy to start the night jejee...

Adang said...

napa nuod ko ayan madanda yan :)

riZa d' hoLic said...

@kamila: hehe can't wait!
p.s. as in totoo talaga...XD

@Lhuloy: lool sorry na stress kasi ako bigla...basta hinangaroo sila..hehe
anu 'yan siya umg parang hangman game na huhulaan mo yong category taz if you lost the game ibibitay ka! hehe

@adang: hehe toomooh! ^_^

hitokirihoshi_kawaii jr said...

napanood ko ito kasi interesado ako sa story at kay johnny depp. hehehe

pero at least yung meat ng story ni mr. todd ay hindi naman ganun kaiba. pero terible din sa pagka-dark yang story nya. sana wala ng ganun.

riZa d' hoLic said...

@hitokirihoshi_kawaii jr : lol interesado ka rin pala kay johnny depp...good to know!
yeah agree..
haha wala lang...nyway tnx for leaving a comment...^_^

Anonymous said...

哪个聊天室有真人秀 , 在线聊天室哪个好 , 台湾丽人聊天室 , 语音聊天室哪个好 , 交友聊天室哪个好 , 平阴聊天室 , 裸聊视频聊天室哪个好 , 免费午夜聊天室哪个好 , 免费聊天室哪个好 , 多人视频聊天哪个好

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...