Pages

Monday, December 13, 2010

nakakabobo daw ang komiks??? how true???






Bata pa lang ako mahilig na talaga akong mag basa ng mga dyaryo...at siyempre ang paborito kong pahina ay iyong mga komiks! kahit di ko ma getz ang mga joke masaya pa rin ako, nalulula kasi ako sa mga drawing lalo na pag colored - lalo na pag ganito ka rami ang dialogue (na nkikita nyo sa gilid)...  hehe saya!


Pero medyo na hurt at na discourage ako ha - noong sinabihan ako ng ale (na nag bebenta ng dyaryo) na 'nakakabobo' daw 'yang mga komiks na 'yan, siyempre ang bait ko't nakinig ako sa kanya, mahirap na! bobo na nga ako bobobohin ko pa sarili ko...
Sa kalaunan nawala rin interest ko sa mga nakakapagod basahin na mga komiks na 'yan... at kung aksidente mang nakahawak ako ng komiks...kunyari na lang wala kayong nakita...hehe XD


Pero ang hirap eh, di ako makapag move on, at sa t'wing pumapasok ako sa library dederetso talaga ako sa mga dyaryo corner...at sa halip na mga news ngayon lang binabasa ko at 'yong mga crosswords - di ko pa rin mapigilan sarili ko ang  dumalaw sa mga pahinang 'yon...komiks.


But based on my own experience, hindi ko naman naramdaman kung naging bobo ba ako, kasi hindi ko rin naman rin alam kung matalino ba ako...hahay T_T so far, wala pa naman akong nabalitaan o narinig na Newsflash: Bata nabobo sa kababasa ng komiks" o "babae na bobo sa komiks"... at sa tingin ko hindi naman siguro basta-basta na lang mababawasan  ang Intellectual Quotient ng isang tao dahil lang sa komiks at sa pagkakaalam ko 'pag once matalino ka talaga o ika nga if you learned something hindi na mawawala 'yan sa iyo pwera na lang kung mag play bobo ka...XD


Sa tingin ko hindi naman siguro mabubuo ang isang komik kung hindi ginagamitan ng talino o kahit ilang porsyento ng I.Q., kung ang ibang artist nga dyan (e.g. pintor) ay matatawag na nating henyo - and so the comics artists/authors are...


Sa katunayan nga eh pwede natin silang ma e'kukumpara sa iba pang mga henyo tulad na lang ni Albert Einstein, Agapito Flores, at Mark Elliot Zuckerberg...Kung tutuusin eh - ang ibang manunulat nga dyan eh macoconsider mo na ngang poet kahit hindi ako sure in what way sila naging poet...eh automatic technically poet na sila...


At honestly, marami nga akong natutunan sa mga komiks eh tulad na lang ng mga expressions ko'ng "asteeeg!" hehe joke lang! Pero totoo...marami-rami rin akong natutunan sa mga ito, depende na lang siguro kung anong klaseng komiks ang binabasa mo...hehe pero kung ako ang tatanungin - minsan may mga intellectual topic rin naman silang nababanggit 'yong tipong hindi mo na ma-gegetz dahil sa sobrang logical parang Algebra na di mo ma-cocomprehend kung di mo e-internalize...


Kadalasan ring nabasa ko'ng komiks ay binabanggit rin ang Economic Status ng ating bansa, may mga Political Issues rin...mga technological, at may mga nature or environmental awareness/campaign din. Actually, sa komiks ko nga lang rin nalaman o napatunayan sa sarili ko na talagang naghihirap na talaga ang ating bansa...hehe grabeeh...Di ko na matake 'to ang O.A. na...XD 




so...
  • Sa mga kagaya ni ale na nega - at sinasabing "nakakabobo" daw ang komiks
- weeeh!!! di nga?!

  • Sa mga kagaya ko'ng medyo adik sa komiks
-support me mga pips! hehe

  • Sa mga adik talaga ng komiks
-oi may bago daw si Manix...^_^

  • Sa mga authors ng komiks
-oi...bayaran niyo ako...mmph! jeje joke!

  • At ikaw na nagbabasa nito na hindi makapag decide
-paki - "Like" namn oh...plisss... (puppy eyes)

-fin-






T_T




Leelou Blogs
 

1 comment:

BNP said...

hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur fave blogs! d top 5 highest rated will be displayed n d Hall of Fame ;)

you can also follow BNP's http://twitter.com/blogsngpinoy & http://www.facebook.com/pages/-Blogs-Ng-Pinoy-/115630028504253

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...