(ang mga pangyayari kagabi)
End of the world na ba? may gera ba sa labas? umuulan ba ng bala? 'yon at iba't iba pang maiingay na eksena ang nasa utak ko habang nakahiga lang sa ward at nakikinig sa mga pangyayari sa labas...wala ako sa mood makipagsimpatya't makiingay sa labas...ning wala rin ako sa mood sumilip man lang sa bentana - ang ayaw ko kasi sa lahat ang maistorbo ang pag-tulog ko (consider pag mga pasyente).! but considering the fact na New Year na! oh no! 11:45 p.m. pa pala - na tempt na talaga akong sumilip at togs!!! ano ba 'yan?! wala man lang colorful sparks sa kalangitan, puro usok lang sa labas ng kalsada - wala ba silang vitamins pang mata?! So ayon ano pa nga ba eh di bumalik ako sa pagkahiga...
Maya-maya andami ko ng naririnig na ingay...latang pinagpupukpok! horn ng mga sasakyan, mga batang walang tigil sa pagpatutot at ang walang kamatayang videoke sa may kanto na pang 80s pa lahat ang kinanta (at biglang nag katty perry maya-maya)...adik! XD Pero lahat ng 'yon walang kwenta sa'kin. Naisip ko'ng matulog ulit, hanggang nakatulog at na tulog...pero teka! (napilitang gumising bigla!) etetxt ko sanang FB (oo facebook) ko para naman malaman ng pamilya o friends ang status ng buhay ko sa mga oras na 'yon baka naman they'll save me from this loneliness T_T pero sayang wala akong # ng FB ko...! haha! joke - pero di ko lang talaga alam kung papano...lol
then silence came...
Tumahimik utak ko sa kakaisip habang nakikinig sa labas, tumagilid sa paghiga at ----- nag isip na naman...nostalgic mode. Naalala ko tuloy last last year sinalubong namin ang 2010 ng kasiyahan habang tumitingala sa langit at nanood ng mga sunod-sunod na bonggang-bonggang fireworks!
Naalala ko pa hinug ko lahat mga ate't kuya, lahat ng mga close friends at 'yong di maxadong close (hindi naman sa nagpakaplastic pero plastic lang talaga ako! haha! joke!) nasa church pa kami noon dahil anually talaga may activity pang year ender kumbaga...kahit minsan nag-aaway na sina mama't papa - dahil ayaw na ayaw ni papa na umalis pa kami at malalate na naman sa pag-uwi, gusto lang talaga niyang samahan lang namin siya sa bahay at di na umalis hanggang mag new year! O.A.... di kasi siya sumasama sa'min - kung bakit pa kasi matatagalan pa kami minsan kasi exactly 12 midnight na natatapos ang activity naming 'yon . . which made my pop upset... kahit nga ako minsan na uupset na rin - pero sa mga oras na 'yon bigla ko na lang natanggap na malalate na naman kami sa pag-uwi (like last year) na kahit pag-uwi - maaabutan naming upset na si papa at tulog na sobrang upset...Despite that fact, all i could remember right now is feeling ko that time ang saya saya ko talaga, 'yong tipong nilasap ko talaga ang moment na 'yon...
Ewan ko kung bakit - dahil ba thanksgiving party ko kinabukasan? at reunion rin pala! pero 'di eh...iba talagang pakiramdam ko nun...
Pero ngayon (Jan 1, 2011 @ 12:30 a.m.) ito ako't mag-isang sinalubong ang 2011... I hate it! I hate every minute of it! I'm still a kid that needs a hug that time, i still wanted to see their faces how they embrace that moment - T_T char...O.A. na maxado...
Pero buti na lang pala I cherished all those memories i shared with them before - para mabaon ko ngayong nag'iisa lang ako...
LEARNED LESSON - ENJOY EVERY MINUTE NA KASAMA MO LAHAT NG MAHAL MO SA BUHAY! DON'T WASTE IT - DON'T SPOIL IT!
p.s. moment later ---
may nag door bell ay akala ko 'yong mga batang nagpromise sa'kin ng mga paputok - pagkain pala, wow! and so I ate happily ever after that night - dawn na pala (kaninang 12 a.m. something) sus! pagkain lang palang katapat nag dadrama pa!
HAPPY NEW YEAR!!!
huggies...^_^ xoxo
T_T